"Naku, Doc! Kayo po talaga ang pinakamagaling na doctor dito! Gwapo na, matalino pa!" Narinig kong puri sa kanya ni Ma'am Chi. Naramdaman siguro ako ni Ma'am na nasa tabi kaya lumingon s'ya sa 'kin sabay tinaasan ako ng kilay. Aba't! I-shave ko nga yang kilay mo, Ma'am. Nakakahiya sa 'yo. Puporma pa sa asawa ko. "Yes? Mag-lunch na kayo," pagtataboy n'ya sa akin. "Uhm..." tanging nasabi ko lang. "Ma'am, can I talk to her?" Pumagitna si Clark sa usapan. Napakunot naman ang noo ni Ma'am. "She's under me, ano ba ang kailangan mo sa staff ko, Doc?" She asked looking at Clark. Pero ngumiti lang si Clark at si Ma'am naman parang na-engkanto. Lakas ng charisma ng lalaking 'to! Pati matatanda, eh! "I just want to give this to my wife," he said na parang wala lang ang salitang 'wife'. Agad n

