"PLEASE, wake up, Babe..." mahinang usal ni Zoey habang hinahaplos ang kamay ni Francis. "You just can't leave me like this, Francis..." Sa loob ng mahigit labinlimang oras ay limang heart surgeon ang nagtulong-tulong para operahan si Francis. Tumama sa isang ugat malapit sa puso ni Francis ang bala at kinailangang takpan agad ang sugat niyon kung hindi ay magiging dahilan iyon ng pagkalason ng iba pang internal organs nito. Nangilabot siya nang sabihin ng doktor na kung hindi agad naisugod si Francis sa ospital ay siguradong binawian na ito ng buhay. Naging matagumpay ang operasyon. The bleeding stopped pero hindi sapat iyon para ideklarang ligtas na ito. Hindi pa nalalampasan ni Francis ang critical period dahil hindi pa ito muling gumigising. Ang sabi ng doktor, kapa