**** "Anak, nagising si Francis and h-hes asking for you," tawag ni Rona sa anak pagkalabas ng ICU. Nang mga oras kasi na iyon ay nilipat na si Francis sa ICU dahil delikado ang lagay nito. Si Zoey naman ay nasa labas at naghihintay. Agad siyang tumayo at lumapit. "Kumusta ho si Francis, mommy?" tanong niya habang malalaki ang hakbang na lumalapit siya rito. Please tell me he's okay... Hindi ito makasagot kaya naman umaalpas na naman ang luhang pinipigilan niya. "Anak, huminahon ka, okay?" Pagkuwa'y sinugod siya nito ng yakap. Humahagulhol ito kaya naman tuluyan na ring napahagulhol si Zoey. Ni hindi siya makapagsalita. Nanakit ang dibdib niya. Agad din naman itong humiwalay sa kanya. "K-kanina ka pa tinatawag ni Francis. H-he needs to talk to you." "W-what?" "H-he's askin