Naihatid na lamang niya ng tanaw si Francis habang ipinapasok ito sa emergency room. Bago tuluyang sumara ang pinto ng emergency room ay nakita pa niya ang malungkot na mga mata nito. Nakatingin ito sa kanya na tila humihingi ng kapatawaran. Tumalikod na lang siya at nakatulalang naglakad si Zoey patungo sa direksiyong hindi niya alam kung saan patungo. Hanggang sa makarating siya sa chapel ng ospital. Umupo siya sa pinakaunahang upuan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ipinagtapat ni Francis. Pumikit siya at nanalangin. Lord, kung anuman ang naging pakay ni Francis sa journal ko na ilang taon kung iningatan ay pinapatawad ko na siya. Huwag mo lang siyang kunin sa amin. Kailangan pa siya namin. Kailangan siya ng mga anak niya. Ikaw na po ang bahala sa kanya Lord. Halos hindi m