Sa Piling ni Lucario Season 2 AiTenshi April 17, 2019 “Master, ito ang Bayan ng mga lumalakad na bankgay, kapag tuluyan nang lumubog ang araw sa kalangitan, ang lagim ay mag sisimula na. Mag handa na tayo para sa kanilang pag dating!” ang wika ng Heneral Juda at mula sa aming paligid ay nakarinig na kami ng kakaibang ingay na nag mumula kung saan. Part 37: Labi "Bilisan na natin ang pag tawid sa bayang ito. Umiwas na tayo sa gusot. Okay na yung malaking sawa sa Bayan ng Juklao, kota na iyon!" ang sigaw ko sa mga kawal ni Lucario na nauuna sa amin sakay ng mga kabayo. "Master, kahit apurahin natin ay hindi pa rin tayo makakalabas dito, masyadong malawak at maraming pasikot sikot ang bayang ito." ang wika ni Heneral kaya naman mas lalo pa akong natakot. Kaibahan kay Lucario na n