PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Sa Piling ni Lucario Season 2 AiTenshi Part 36: Ang Bayan ng mga Buto Parang isang malakas na bomba ang sumabog sa aking harapan matapos sabihin ng lalaki ang kanyang anunsyo na mag papakasal kami. Ganito ba talaga sa mundong ito wedding at first sight ang uso? "Alam mo na ba na mag buhat noong isumpa ako ng diablong ahas na iyan ay sinabi ko sa aking sarili na kung sino man ang unang tao na masisilayan ko ay siya ang papakasalan ko. Kayat gusto kong malam