Sa Piling ni Lucario
AiTenshi
March 14, 2019
Makalipas ang ilang sandali ay nag laho ang liwanag sa buong paligid at dito ay tumambad sa paningin ng lahat ang isang lalaking nakatalikod, naka suot ng itim na pajama, walang pang itaas na damit. Kahit nakatalikod ay halatang matipuno ang kanyang katawan. Ang kanyang buhok ay kulay itim na hinahangin..
Noong makita siya ng mga kaaway ay hindi na nag dalawang isip ang mga ito. Lahat sila ay lumundag at sumunggab sa nakatayong binata..
Samantalang ang binata naman ay nanatili lamang nakatayo sa kanyang kinalalagyan. Hindi alintana ang nag babadyang panganib na maaaring tumapos sa kanyang buhay.
Part 7: Ang Binata sa Kweba
Nasa mahigpit sampung kalaban ang sumunggab sa kinlalagyan ng misteryosong binata. Ang nakapag tataka ay alam niyang mapanganib doon pero nakuha pa rin niyang dumisplay, ang kanyang hubad na katawan ay naka buyangyang na parang hindi nalalamigan.
Noong malapit na sa kanya ang mga kalaban ay itinaas niya ang kanyang palad at nag labas ito ng kakaibang liwanag dahilan para isa isang bumagsak ang mga kalaban sa paligid na parang mga lamok na binubagahan ng lason.
Ang ibang mga kalaban ay nag tangka pang tumakas pero sa tuwing ikukumpas ng binata ang kanyang kamay ay isa isang napupugutan ng ulo ang mga ito hanggang sa halos wala nang natira. Kahit malayo na ang tinakbo ng mga ito ay kita kita kong bumubulagta pa rin sila.
Noong malinis ang paligid ay kumilos ang lalaki at nag inat na parang galing siya sa isang mahabang pag kakatulog. Lumanghap pa ito ng sariwang hangin bago hubaran ang isang kalabang napugutan ang kuhanin ang damit dito. Namili pa siya kung anong kulay ang nababagay sa kanyang makinis na balat.
Maya maya ay lumakad siya pabalik sa bunganga ng kweba at nag salita. "Labas na daga! Hindi ko alam kung paano mo ako napalaya, teka sino ka ba?" ang tanong niya sabay kumpas ng kamay at maya maya ay bigla nalang may kung anong pwersa ang humila sa akin palabas.
Napaluhod ako sa kanyang harapan at napa saldak..
"Ikaw ang nag palaya sa akin mula sa maraming taon na pag tulog, marahil ay may kakayahan ka rin na ikulong akong muli. Hindi ko na papayagan iyon dahil ngayon palang ay papatayin na kita." ang wika nito.
Itinaas niya ang kanyang kamay at lumutang ang sibat na kahoy na naka kalat sa di kalayuan.
Hinawakan niya ito ng mahigpit at saka lumakad patungo sa akin. "Kung inaakala mong kakampi mo ako ay nag kakamali ka. Nek nek mo, at ngayong naka laya na ako ay hindi ako papayag na muli matulog at makulong sa loob ng kwebang iyan." ang galit na wika niya sabay taas sa sibat at noong aktong ihahataw niya ito sa aking katawan ay nag liwanag ang aking kwintas, nag labas ito ng pwersang tumulak sa kanya sa malayo.
Nag pagulong gulong ito sa yelo at nanatiling naka subsob sa lupa ang mukha..
Muli nanaman siyang bumangon at sumugod sa akin. Pero sa tuwing mag tatangka siyang saktan ako ay bigla na lamang siyang tumutilapon sa malayo.
Halos 5 beses siyang sumubok pero paulit ulit lamang rin ang pag lipad niya sa iba't ibang direksyon kaya naman noong pang anim beses ay muli itong lumakad sa patungo sa akin at binatukan nalang ako dahilan para tumilapon nanaman ang kanyang katawan. Bagamat hindi naman ito masakit..
"Sige naaaa! Hindi na ko lalapit sa iyo! Bwiset! Saan mo nakuha ang kwintas na iyan? Ninakaw mo ba iyan sa templo?" ang tanong niya
"Hindi ko alam, masakit na yung ulo ko. Masakit na rin ang katawan ko. Ayoko na mag paliwanag pa." ang tugon ko naman.
"O edi humiga kana dyan sa yelo, ipikit mo ang mga mata mo. Iyan ang pinaka madaling paraan para ikaw ay mamatay. Diyan kana nga. Malaya na ako at gagawin ko na ang lahat ng gusto ko." ang wika ng binata sabay lakad palayo sa akin.
Ako naman ay nanatili lang na naka luhod sa yelo habang pinag mamasdan siya lumakad palayo sa akin..
Tahimik..
Maya maya ay liwanag nanaman ang kwintas at mula dito ay nakita kong umaatras ang binata na parang hinihilahod ng kung ano ang kanyang katawan pabalik sa aking kinalalagyan. "Ano nanaman to?! Pambihira naman! Anong klaseng sumpa ba ang dulot mong lalaki kaaa?!" ang galit na sigaw nito at muli nanaman siyang nag tatakbo palayo pero hinihila lamang siya pabalik ng kwintas.
"Arrgghhhh!!! Aalis na ako! Bakit ayaw mo ako paalisin?!" ang sigaw nito at muli nanaman lumundag palayo sa akin pero nasa ere palang siya ay hinatak na siya ng kwintas kaya bumulusok ito pababa at pumakat ang katawan sa yelo. Subsob pati ang kanyang mukha.
Nararamdaman ng kwintas kapag may masama siyang balak sa akin pero sa kabilang banda ay ayaw naman siyang paalisin nito. Marahil ay batid ng kwintas na ang taong ito ay ang makakatulong sa akin para makabalik sa aking mundo.
"Gusto ko na bumalik sa amin, gusto ko na umuwi. Tulungan mo ako, paki usap." ang wika ko habang nananatiling naka luhod sa kanyang harapan.
Nanatiling naka tingin lang sa akin ang binata at hindi siya kumikibo.
Wala kaming imikan..
Maya maya ay mabilis na gumalaw ang kanyang kamay para hablutin ang kwintas sa aking leeg kaya naman tinampal ko ang mga ito.
Plak..
"Arekup." reklamo niya
"Huwag mo na kunin ang kwintas, mamaya ay titilapon kana naman e. Lalo ka lang mapapagod." ang salita ko.
"Kung gusto mong umuwi ay tumayo ka at lumakad, kung mananatili kang nakaluhod diyan e walang mangyayari sa buhay mo. Titigas iyang buto mo at mawawalan ka ng dugo." ang wika niya.
Pero hindi na ako nakipag talo pa. "Tulungan mo ako." ang bulong ko at dito ay nakaramdam na ako ng pag didilim ng aking paningin, kasabay nito ang pamamanhid ng aking katawan kaya mula sa aking pag kakaluhod ay marahan akong bumagsak at nasubsob sa kanyang matipunong dibdib.
Wala na akong natandaan pa..
Mula sa aking pag kakahiga sa yelo ay nakaramdam ako ng init na bumabalot sa aking katawan. Ang lamig ay unti unting napapawi at bumabalik sa normal ang malamig na temperatura ng aking kalamnan. Halos hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Ilang beses kong ginising ang aking sarili, baka sakaling natutulog lamang ako ng mahimbing ngunit ang sugat sa aking katawan ay mas naging makirot noong hindi na ito nababalot ng lamig.
Sa aking panaginip ay natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa aming lumang bakuran. Naka tanaw sa aking ina na abala sa pag sasampay ng mga nilabhang damit. Ang panahon ay maaliwalas, maganda ang sikat ng araw at mabango ang hangin na nag mumula sa paligid ng mga puno. "Inay kamusta ang pakiramdam mo?" ang tanong ko habang pinag mamasdan siya.
"Maayos naman ako hijo, bakit parang labis kang nag aalala ka sa akin?" tanong niya habang naka ngiti
"Dahil may sakit po kayo at kailangan mong mag pahinga."
Natawa siya at tumabi sa akin. "At hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin na ako ay mamatay dahil sa sakit na ito. Tama ba?"
Tumango ako bilang tugon..
"Suyon, ang mundong ito ay likha lamang ng iyong isipan. Ito ang patunay na parati kitang ginagabayan, na nandito lang ako sa iyong tabi, sa iyong puso. Kapag natatakot ka o nalulungkot pa ay ipikit mo lang ang iyong mata at damhin ang ihip ng hangin, dito ay mararamdaman mo ako." ang wika niya habang naka ngiti.
Inilagay niya ang kanyang kamay sa aking dibdib, sa tapat ng aking puso at dito ay nakaramdam ako ng kakaibang init, masarap sa pakiramdam na para bang inaalis niya ang takot sa aking kaibuturan.
Ang init sa pakiramdam, masarap itong damhin..
Tahimik..
Ninamnam ko lang ang init na iyon hanggang sa marahan kong imulat ang aking mga mata at dito ay natagpuan ko ang aking sarili na naka subsob sa isang matipunong dibdib ng isang lalaki. Ang aking labi ay nakatapat sa kanyang mala eraser ng lapis na u***g at ang aking mga kamay ay nakayakap sa kanyang bilugang braso.
Nakahiga kami sa isang lumang papag sa loob ng isang lumang silid. Kaya naman pala mainit sa pakiramdam dahil nakasubsob ako sa kanyang katawan..
Tulog na tulog siya at nag hihilik. Dito ko natitigan ang kanyang mukha. Nakakabato balani ang kanyang anyo, mga bagay na hindi ko masyadong napansin kagabi dahil madilim ang paligid.
Ramdam na ramdam ko pa rin ang matinding pag kirot ng aking katawan partikular ang aking braso at likuran. Gayon pa man ay masaya ako dahil nakaligtas ako at hindi ko maaaring itanggi sa aking sarili na dahil iyon sa lalaking ito.
Nasa isip ko pa rin ang ginagawa niyang pag hiwa sa katawan ng mga kalaban sa pamamagitan lang ng pag kumpas ng kamay. Tunay nga siyang makapangyarihan, isang nakakatakot na kakayahan ang nakahimlay sa likod ng kanyang magandang mukha. Hindi ko tuloy maiwaglit sa aking isipan kung bakit siya ikunulong doon sa kweba.
Gayon pa man ay utang ko sa kanya ang aking buhay. Noong mawalan ako ng malay kagabi ay wala na akong natandaan pa. Nag papasalamat ako dahil dinala niya ako dito sa isang ligtas na lugar at nilapatan ng lunas ang aking mga sugat sa katawan.
Itutuloy..