Sa Piling ni Lucario
AiTenshi
March 15, 2019
Nasa isip ko pa rin ang ginagawa niyang pag hiwa sa katawan ng mga kalaban sa pamamagitan lang ng pag kumpas ng kamay. Tunay nga siyang makapangyarihan, isang nakakatakot na kakayahan ang nakahimlay sa likod ng kanyang magandang mukha. Hindi ko tuloy maiwaglit sa aking isipan kung bakit siya ikunulong doon sa kweba.
Gayon pa man ay utang ko sa kanya ang aking buhay. Noong mawalan ako ng malay kagabi ay wala na akong natandaan pa. Nag papasalamat ako dahil dinala niya ako dito sa isang ligtas na lugar at nilapatan ng lunas ang aking mga sugat sa katawan.
Part 8: Ang Daan Pauwi
Hindi ko namalayan na matagal tagal na rin pala akong naka titig sa kanyang mukha.
“Masyadong Gwapo” iyan ang salitang sumagi sa aking isipan habang naka titig sa kanyang pisikal na anyo. Mapula at manipis ang labi, matangos ang ilong, ang balat ay sobrang kinis na daig pa ang mannequin. At ang kanyang katawan ay napaka perpekto ng hubog. Matipuno ang dibdib, malapad ang balikat, bilog ang braso, may abs at ang kanyang amoy ay mabango na parang kay sarap halikan. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako naka kita ng ganitong ka gwapong nilalang.
“Teka, ano ba itong iniisip ko!” ang sigaw ko sa aking sarili. Aktong babangon na ako noong bigla niya akong hinalin sa buhok dahilan para muli ako pasubsob sa kanyang katawan, sapol nanaman ang aking mukha sa kanyang dibdib. “At saan ka pupunta?” ang tanong niya.
“Babangon na ako, maayos na ang pakiramdam ko.” ang wika ko naman at dito naalis ang kumot sa aking katawan. Ni hindi ko namalayan na nakahubad rin pala ako, ang aking braso, binti at likuran ay mayroong gasang naka takip sa aking mga sugat na natamo kagabi doon sa bundok ng yelo.
“Hindi ka dapat umaalis basta basta nang hindi man lang nag papasalamat sa akin. Aba, ilang beses kong niligtas ang buhay mo. Pasalamat ka nga at hindi kita iniwang naka handusay doon sa bundok noong himatayin ka.”
“Salamat.” tugon ko naman. “Teka, nag kusa ka ba talagang iligtas ako o baka naman hindi ka lang maka takas sa sumpa ng kwintas?” pang uusisa ko
Natahimik siya pero nag deny pa rin “Hindi ah, tinulungan talaga kita, binuhat kita mula doon sa bundok ng yelo hanggang dito sa bayan alam mo ba iyon? Ingat na ingat ako sayo, para kang isang babaeng inalagaan, parang isang sanggol na ayaw kong madapuan sa langaw.” pag yayabang niya sabay lagay ng braso sa batok dahilan para tumambad sa akin ang kili kili niyang may makapal na buhok. Ang sexy niyang pag masdan sa ganitong posisyon.
“Talaga ba?” ang tanong ko naman na may halong pag tataka at habang nasa ganoong posisyon kami ay bumukas ang pinto ng silid at dito ay pumasok ang isang lalaking may hawak na tray ng pag kain. “Magandang umaga sa iyo ginoo. Narito ang almusal.” ang wika nito at maya maya napatingin siya sa akin. “Ginoo, pang isahan lamang itong dala kong pag kain, ang akala ko kasi ay hindi tao ang bitbit mo kagabi.
“Bitbit? Ako?” ang tanong ko sa lalaki
“Ah e, opo. Ang akala namin sa baba ay isang uri ng kagamitan ang hinihilahod niya sa lupa na parang isang kinarneng baboy. Mali pala, kayo po pala iyon.” ang wika ng lalaki at dito nga nag balik sa aking isipan yung ginawang pag hilahod sa akin ng abnormal na lalaking ito doon sa bundok ng yelo.
“Binuhat pala ha!” ang inis kong salita sabay hampas ng unan sa kanyang mukha. “Salamat po sa almusal mabait na ginoo, kagabi pa nga ako gutom na gutom.” ang wika ko naman sabay lundag paalis sa higaan ng bigla akong hilahin ng lalaki sa paa. “Pag kain ko iyan! Ang pag kain ay inihanda lang para sa nag bayad ng silid, wala ka namang pera e, kaya wala ka ring karapatang kumain!” ang wika niya.
“Ako yung biktima at mag pasalamat ka dahil pinalaya kita sa pag kaka kulong mo doon sa kwebaaa! Sana hiniyaan ko nalang na mabulok..” hindi na ako nakapag salita dahil tinakpan niya ang aking bibig gamit ang isang damit na hindi ko malaman kung ano.
“Kweba? Ang ibig mo bang sabihin ay ang isinumpang kweba doon sa taas ng bundok?” pag tataka ng lalaki.
“Ah e, mali ho, ang ibig niyang sabihin ay dati siyang naka tira doon sa kweba, kawawa nga itong kaibigan ko, walang tirahan kaya doon lang siya natutulog at nilalamig.” ang sagot ng lalaki habang naka hawak sa aking bibig upang hindi ako makapag salita.
“Ang akala ko ay yung kweba doon sa bundok. Huwag kayong lalapit doon dahil delikado. Dito naka himlay ang isang makasaysayang Diyos na may kapangyarihang gunawin ang mundo sa pamamagitan ng isang kumpas lamang. Mabuti nalang at naikulong siya doon dahil tiyak na malalagay nanaman sa bingit ng panganib ang mundong ito.” ang wika ng lalaki sabay lapag ng pag kain sa lamesa.
“Syempre ay hindi kami gumagawi doon. Mahirap na dahil nag kalat yung mga rebeldeng blood sucker doon sa bundok.” ang sagot ng lalaki.
“Gustong gusto ng mga blood sucker sa bundok na iyon, parang isang isport sa kanila ang mag tungo doon para mangaso ng kanilang bibiktimahin. Ang klima doon ay angkop na angkop sa kanilang mga katawan, malamig, walang araw at wala rin silang aalalahanin na maaaring pumigil sa kanila dahil ang isang ordinaryong tao ay tiyak makakatagal sa lamig.” ang wika ng lalaking may ari ng silid. Habang nasa ganoong pag papaliwanag siya ay may tumawag sa kanya mula sa labas. “Oo sandali, nandyan na ako!” sigaw pa niya at agad ring lumabas sa aming silid.
Inalis ng lalaki ang pag kakabusal sa aking bibig. “Pwe! Bakit ba?! Ano ba iyang inilagay mo sa bibig ko?” ang tanong ko naman.
“Eto ba? Brief ko. Sarap ba?” ang tanong niya habang naka ngisi. Kinuha niya ito at agad rin niyang isinuot sa kanya. Hindi ako makapaniwala na wala pala siyang saplot buhat kagabi. Ang nakita ko lang ay ang makinis na pwet nya at medyo makapal na buhok sa ibabaw ng kanyang pag kalalaki. “Kailangan kong takpan ang bibig mo dahil masyado kang madaldal. Hindi mo dapat sinasabi sa kahit na kanino na galing tayo sa kweba dahil tiyak na hindi tayo makakalabas ng buhay sa bayang ito.” dagdag pa niya
“Bakit ganoon yung deskripsyon nila? Totoo ba na ang naka kulong doon sa kweba ay isang malupit na Diyos na may kakayahang gunawin ang mundo sa isang kumpas lamang ng kanyang mga kamay?” ang tanong ko
“Naniniwala ka ba sa kanila? Mukha ba akong malupit katulad ng sinasabi nila? Ang mga bagay na iyon ay maling usap usapan lamang na naging isang alamat na sa katagalan. Mga pekeng impormasyon na kumakalat at pinapakalat ng kung sino sino. Mayroon nga diyan sinasabing naka patay siya ng sampung halimaw pero ang katotohanan ay sampung lamok lang ang ginapi niya. Ang maniwala sa sabi sabi ay walang bait sa sarili!” ang wika nito sabay hati sa pag kain at ibingay sa akin ang ibang parte nito.
Kapwa namin pinag saluhan ang kaunting almusal, pag katapos ay lumabas na kami sa silid para makapag lakad lakad sa bayan. Dito ay baka maka kuha na rin ako ng impormasyon kung paano ako makakauwi sa lugar na pinanggalingan ko. Nakasuot pa rin kami ng makapal na damit dahil sobrang lamig pa rin sa buong lugar at purong yelo pa rin ang aming nilalakaran.
Pag labas palang namin sa bahay panuluyan ay naging usap usapan na agad yung kweba doon sa bundok ng mga yelo. “Bukas na yung kweba, wala ang sagradong harang sa mga bakod nito. At yung mga gintong kadenang naka palibot sa pintuan ay wala na rin! Nakalaya na yung malupit na Diyos na naka kulong doon! Tiyak na mula ngayon ay mag hihirap na ang mundo natin!” ang wika ng may ari ng bahay, hindi nya maitago ang matinding pangamba habang kakwentuhan ang iba pang taong bayan.
“Ang sabi sa propesiya ay may darating na isang nilalang mula sa ibang mundo at siya mismo ang mag papalaya sa malupit na Diyos! Marahil ay unti unti nang natutupad ang nakatala sa lumang kasulatang iyon!” ang wika ng matatanda.
Lahat ay nangangamba at binabalot ng matinding takot samantalang ang lalaki naman ay wala paki alam, lumalakad lang ito ng naka patong ang mga kamay sa ulo at lilinga linga sa mga tindang pwede niyang bilhin. “Mayayaman pala yung mga blood sucker na itinaob ko kagabi, kinuha ko lahat ng mga pera nila. Sapat na ito para makabili ako ng kabayong maaari kong sakyan pauwi sa aking lupain.” ang wika nito.
“Eh paano naman ako? Gusto ko na ring umuwi sa amin.” ang wika ko naman.
“Aba e malay ko sayo. Pati ba naman iyon ay poproblemahin ko pa? Sapat na yung natulog ka sa matipunong katawan ko kagabi at ninamnam mo yung sarap ng yakap ko. Ang lahat ay kasaysayan nalang mula dito.” ang sagot niya naman sabay irap sa akin.
“Alam mo ginoo, kung alam ko lang yung daan pauwi ay hindi ako hihingi ng tulong sa isang mahangin, sira ulo at walang modong katulad mo. Hanggang ngayon ay nalalasahan ko pa rin yung amoy pawis mong brief na daang taong binuro doon sa kweba!” ang sigaw ko
“Brief ko palang ay lasing kana, paano kung ang pag kalalaki ko pa ang ipasak ko dyan sa bibig mo? Baka lalo kang himatayin sa sarap! Umuwi ka mag isa, amuyin mo yung daan na parang isang aso! Uwi na! Panget!” ang pang aasar niya habang naka ngiting aso
“Mukha kang aso!” ang sigaw ko naman sabay lakad palayo sa kanya.
Nasa ganoong pag lalakad ako ng bigla akong harangin ng mga lalaki, naka ngiti sila at magalang na nag wika. “Magandang araw ginoo, mukhang hindi ka taga rito. Narinig ko yung pag uusap ninyo ng lalaki doon kanina. Hinahanap mo raw ang daan pauwi.”
“Oo, sino ba kayo?” tanong ko naman.
"Wag kang matakot ginoo, mga kaibigan kami. Mababait ang tao sa bayang ito, lahat kami ay nag tutulungan para maresolba ang problema ng isa. Ako nga pala si Yong-an, isa akong kagawad dito sa bayang ito. Halika sumama ka sa amin at ituturo namin sa iyo ang daan para makabalik ka agad sa inyong bayan." ang naka ngiting wika niya.
Makakatanggi pa ba ako? Tulong na ang lumalapit sa akin at kahit anong tulong ay maluwag kong tatanggapin basta makauwi lang ako at maka alis sa bangungot na ito.
Iyon nga ang set up, sumama ako sa mga lalaki. Pumasok kami sa isang eskinita at dito ay huminto sila sa pag lalakad. "Dito na ba yung daan para maka uwi ako?" tanong ko bagamat nakaramdam na ako na parang may mali dahil kahit ilang beses kaming paikot ikot sa lugar ay dito pa rin kami sa masisikip na eskinita bumabagsak.
"Eto na yung tamang daan. Patungo sa inyong bayan. Doon sa langit!" ang natatawang wika ng isa.
"Hindi naman sa langit yung bayan namin. Mali kayo ng iniisip kaya tayo naligaw." ang sagot ko
"Eh hangin rin pala ang lamang ng utak nitong isang ito. Hindi literal ang ibig kong sabihin. Mamaya ay doon na sa langit ang bagsak mo kapag hindi mo ibinigay sa amin ang pera mo." ang wika niya.
"Pera? Wala ako noon. Kayo pala ang may hangin sa utak, paano ninyo naiisip na may pera ako sa ganito itsura? Mga baliw ba kayo?" tanong ko naman sabay lakad palayo sa kanila pero bigla nila akong hinablot.
"Wala kang pera?" tanong ni Yong-an
"Wala nga!" ang sagot ko naman.
"Kung wala kaming mapapala sa iyo ay ibebenta ka nalang namin doon sa bumibili ng mga alipin. Makinis ka at gwapo pa, pwede ka nilang maging parausan." ang wika niya sabay piga sa aking panga.
"Bossing, bakit hahayaan mong makinabang yung mga matatandang bumibili ng alipin? Tayo muna makinabang dito, isang round lang. Sige na." ang wika ng isa sabay tutok ng patalim sa aking leeg at dito ay naramdaman kong dinidilaan niya ang aking tainga.
Tawanan sila..
Nag hubad si Yong-an ng kanyang saplot at ang tanging itinira lang ay ang kanyang manipis na pantalon. Lumapit siya sa akin at hinablot ang aking damit, sinisira niya ito gamit ang kanyang patalim. "Mukhang birhen ka pa, masasarapan ako sa iyo." ang wika nito sabay sunggab ng halik sa aking leeg.
Ibayong galit ang aking naramdaman, dahil nga hawak ng dalawang lalaki ang aking magkabilang kamay ay wala akong nagawa kundi ang gamitin ang aking ulo. Buong lakas ko ito inahataw sa kanyang noo. Dahilan para matumba siya.
Kapwa pumutok ang aming noo. Tumulo ang dugo mula dito at gumapang sa aking mukha.
"Gago kaaaa! Tampalasan!!" ang galit na sigaw ni Yong-an sabay suntok sa aking mukha. Nagawa rin niyang hatawin ako sa sikmura dahilan para mapaluhod ako at masuka sa matinding sakit.
Nasa ganoong posisyon kami ng biglang may tumamang bato sa mukha ni Yong-an dahilan para matumba nanaman ito. Isa isa ring tinamaan ang mga kasama niya kaya ang ilan sa kanila ay bumulagta nalang. "Sino iyan! Lumabas ka dito tarantado kaaaaa!" ang matapang na pang hahamon ni Yong-an habang hawak ng kanyang patalim.
Dito nga ay lumabas ang lalaking hambog at mayabang na naka ngising aso. Siya yung lalaking kasama ko sa silid at yung nakawalang maligno doon sa kweba. O kung ano man siya. "Mukhang nag kakatuwaan kayo dito mga pare." ang wika niya.
"Oo pare. Gagahasain sana namin ito, kaso dumating ka. Lalo tuloy sumakit yung bayag ko. Kanina pa ko libog eh." ang wika ni Yong-an
Natawa ang lalaki at nag wika. "Pwede bang ako na ang mauna sa kanya?" tanong niya sabay haplot sa aking katawan.
"Wag pare, kumuha ka nalang ng pag paparausan mo. Sa amin ang isang ito." ang wika nila.
"Paano ba iyan, gusto ko rin kasi ang isang ito." wika niya
"Hindi pwede ang gusto mo pare. Kung gusto mo ay itutumba ka nalang namin para walang problema." ang wika ni Yong-an sabay kasa sa kanyang patalim. Lahat ng kasama niya ay nag labas na rin ng patalim.
Natawa ang gago at mas lalo pa akong hinila palapit sa kanya. "Alam ko na, bakit hindi tayo mag laro. Bibilang ng sampu, dapat ay nakatago kayo."
Isa..
Dalawa..
Nag simulang bumilang ang lalaking gung gong na para bang ang lahat ay isang malaking katuwaan lamang. Nakapikit ang kanyang mata at handang makipag laro ng taguan..
Siyam..
Sampu!
Iminulat niya ang kanyang mata pero wala ni isa ang nag tago. Nag tawanan pa ang mga lalaki at sinabihan siyang isang "sira ulo."
"Sayang walang nag tago, ang ibig sabihin ay taya kayong lahat." ang wika ng lalaki sabay "Isa!" itinuro niya ang isang lalaki, lumutang ito at lumipad sa kabilang bakod.
"Dalawa!" ang sigaw pa niya at umangat ang dalawang lalaki sa likod sakay parang papel na lumipad sa itaas.
"Tatlo" kusang gumalaw ang kamay ni Yong-an at hinubad ang kanyang pantalon. Tumambad sa lahat ang kanyang ari na matigas.
“Tang ina mo ang liit ng t**i mo! Walang masasarapan dyan! Walang silbi iyan!” ang natatawang wikang lalaking hambog sabay kumpas sa kanyang kamay.
Kusang gumalaw ang kamay ni Yong-an, hinakawan niya ang ari at saka niya ito pinutol gamit ang kanyang hawak na patalim.
Napasigaw siya ng husto! Ang kanyang mga kasama ay nanginginig sa takot at nag tatakbo palayo.
Tawa ng tawa ang lalaki at galak na galak sa kanyang ginawa. Maya maya ay humarap siya sa akin at kinutusan ako sa ulo. "Engot ka rin hano? Kung mabilis kang maloko ay hindi ka tatagal ng buhay. Gusto mo palang mag pa pasok edi sana ako na gumawa sa iyo noon kagabi! Gusto mo pa yung groupings!" ang wika nito sabay dikit ng panyo sa aking noo para mapigilan ang pag dugo nito.
"Gago ka pala, kung tinulungan mo ako edi sana ay hindi na ako sumama para mag patulong sa kanila." sigaw ko at hindi ko na pigil na umiyak dahil sa sama ng loob.
"At ako pang may kasalanan ngayon?"
"Ang gusto ko lang naman ay makauwi! Hindi mo alam ang pakiramdam ng maligaw sa isang lugar na hindi mo alam kung ano. Hindi mo ako nauunawaan kasi ay manhid ka at may tama ang iyong utak."
"Aba't ginawa mo pa akong sira ulo. Huwag kana nga umiyak. Tutulungan na kitang hanapin ang daan pauwi sa inyo." ang wika niya na parang napipilitang hindi mo mawari.
Tahimik..
Nanatili siyang nakatayo sa aking harapan. "Anong pangalan mo?" tanong niya.
"Suyon.." sagot ko
Tumango siya at tumalikod..
"Sandali.." pag pigil ko.
"Ikaw, anong pangalan mo?" tanong ko naman.
Ngumiti siya at kasabay noon ang pag tama ng kakaibang liwanag sa kanyang mukha. "Ang pangalan ko ay...
Lucario."
Itutuloy..