Part 9: Sa Bisig ni Lucario

2432 Words
Sa Piling ni Lucario AiTenshi March 15, 2019   Part 9: Sa Bisig ni Lucario Si Lucario, ang lalaking paulit ulit na nag liligtas ng aking buhay. Hindi ko pa siya lubusang kilala ngunit siya lang ang nag iisang liwanag ko sa isang daan na hindi ko lubos maaninag ang tamang direksyon. Kung saan ba ako tutungo o kung paano ko ito mararating. At dahil siya ang lagi kong kasama ay sa kanya na rin ako nag tiwala. Wala naman kasi akong ibang kilala maliban sa kanya kaya naman umaasa ako na siya lamang rin ang makatutulong sa akin. "Dalawang araw na tayong nag hahanap ng paraan kung paano ka makakauwi sa inyo pero iyang nilalarawan mong lupain ay wala talaga dito sa mapa. Ang mabuti pa ay isasama nalang kita sa lupain ko. Baka sakaling matulungan ka ng matatandang gabay doon." ang asar na salita ni Lucario sabay lukot sa mapang hawak. Humiga ito at nag sit ups, kitang kita ko ang maganda niyang katawan na mas lalo pang nakaka akit pag masdan kapag siya ay pinag papawisan. "Saan ba iyang lupain mo?" tanong ko naman habang inaalis ang atensyon sa kanyang katawan. "Apat na bundok pa ang layo mula dito. Sakay ng kabayo ay makakarating tayo doon sa loob ng dalawang araw." ang wika niya sabay tayo at lumipat sa dalawang bakal na barass. Kumapit siya rito at muling nag papawis. Lumakad ako sa kanyang harapan..   "Saan naman tayo kukuha ng kabayo?" tanong ko ulit. "May nabili na akong kabayo at kariton. Ginamit ko yung pera ng mga blood sucker na napatay ko sa bundok. Yung mga alahas nila ay pinag kukuha ko rin para makabili ng pag kain. Pasalamat ka at hindi lang ako gwapo, matalino pa ako kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin tayo." ang pag yayabang niya. "Ganoon naman pala. Edi umalis na tayo bukas. Maganda ba sa lupain ninyo?" tanong ko pa. "Maganda, normal ang temperatura doon, ang ibig kong sabihin ay may panaka nakang pag ulan rin ng niyebe ngunit hindi ganito kagrabe sa lupaing ito. Doon ay nakapapag saka pa ang mga tao at nakakapag tanim ng mga gulay sa bukirin." ang sagot niya "Ano pang hinihintay natin? Tara na, gusto ko na makita yung lupain nyo." excited kong hirit. "Bukas nalang, mag gagabi na. Tiyak na mag lalabasan nanaman yung mga blood sucker dyan sa paligid. Saka wala akong gana makipag laban ngayon. Matutulog ako at huwag mo akong iistorbohin maliwanag ba?" ang wika niya sabay punas ng katawan na may pawis. "Bakit ba kasi maraming nag lipanang blood sucker sa lugar na ito? Paano yung mga taong nabubuhay dito? Gabi gabi ba ay nasa bingit ng panganib ang kanilang buhay?" "Oo, kung taga rito ka ay dapat marunong kang ipag tanggol ang sarili mo laban sa mga kaaway. Katulad na lamang ng may ari ng bahay panuluyan na ito, mayroon siyang mga espesyal na armas doon sa ibaba na ginagamit niya kung sakaling may kaaway na papasok dito sa kanyang panuluyan. Alam rin nila kung paano kumilatis ng isang blood sucker kaya hindi makakapasok dito sa kanyang teritoryo ang mga iyon." tugon niya. "Teka, paano kung bigla silang pumasok dito?" ang tanong ko naman. "O edi patay tayo lahat. Kaya nga ikandado mo na yung mga bintana at pintuan para walang makapasok dito sa silid. Bahala ka, ikaw rin. Gustong gusto pa naman nila ang sariwang dugo mo." pang hirit pa niya na parang may tinatakot lang na bata. "Nanakot ka pa e." pag mamaktol ko sabay latag sa isang kumot at dito ay humiga nalang ako. Tahimik.. "Lucario." ang bulong ko "Ummm." ang tugon niya na para bang tamad na tamad. "Natatakot ako dito e, pwede ba akong tumabi sa iyo?" tanong ko "Duwag naman to, parang hindi ka lalaki ah." ang sagot niya pero sa kabila ng reklamo ay umusog pa rin siya, inilahad ang kanyang bilugang braso at dito niya ako pinaunan. Paharap akong humiga sa kanya, agad rin akong sumubsob sa kanyang dibdib. Para kaming mag asawa noong mga sandaling iyon. Kahit pawis siya kanina ay mabango pa rin ang kanyang katawan, siguro ay dahil sobrang lamig ng paligid kaya hindi nanunuot ang amoy dito. Pakiwari ko ay ligtas ako sa bisig ni Lucario, alam kong walang mangyayaring masama sa akin kapag siya ang kasama ko. Ang lahat ng agam agam at pag aalala sa aking isipan ay mistulang bulang nawawala kapag siya ang aking tabi. Ang kanyang bilugang braso na nakayakap sa akin ay ang aking pinaka matibay na proteksyon mula sa kahit anong kapahamakan. KINABUKASAN, pag mulat ng aking mata ay wala na si Lucario sa aking tabi. Sa mesa sa tabi ng aming higaan ay may isang tray ng pag kain, mainit na sabaw, tinapay at gatas. Agad akong bumangon sa higaan at nag tungo sa bintana para lumanghap ng sariwang hangin. Dito ay nakita ko si Lucario, inaayos ang kariton sa likod ng isang kabayong kulay puti. Ngayon nga pala ang araw na kami ay uuwi sa kanilang lupain. "Oy! Bumaba kana dyan. Tulungan mo ako dito." ang utos niya sabay balibag ng tsinelas sa aking kinalalagyan. "Kailangan ba talaga ay mambalibag ka pa? Ang ganda ganda ng umaga ay sisirain mo pa!" ang sigaw ko naman. Kinuha ko ang tsinelas niya at saka ko ibinalibag pabalik sa kanya. Tinamaan siya sa mukha. "Arekup, bumaba kana dito at ayusin mo yung mga gamit natin!" ang utos niya. Pag baba ko ay isa isa kong binuhat ang aming mga gamit sa likod ng kariton. Ang mga kumot at pambalabal sa katawan. Mayroon rin ilang plastic ng tinapay, gulay at inumin para hindi kami gutumin sa pag lalakbay. Nag lagay rin si Lucario ng mga sibat at kung ano ano pang sandata sa kariton. "Pamprotekta sa iyong sarili. Hindi pwede yung parati kitang pinag tatanggol. Matuto kang lumaban para sa sarili mo." Kinuha ko ang sibat "bago kita pakawalan doon sa kweba ay naisip mo ba kung paano ako nabuhay sa dami ng kalaban sa paligid? Syempre ay ipinag tanggol ko ang aking sarili, huwag mo akong maliitin dahil lang sa isa akong normal na tao at ikaw ay isang abnormal na Diyos ng kung ano. Diyos ng kayabangan!" ang sagot ko naman. "At ikaw naman ang santo ng mga duwag. Baka nakakalimutan mong para kang isang basang kuting na naka subsob sa kili kili ko kagabi. Sarap na sarap kang nakayakap ako sa iyo." pang aasar niya Hindi naman ako kumibo, hindi naman ako nasasarapan sa yakap niya, gusto ko lang yung pakiramdam ng ligtas. Iyon lang iyon, gagong ito bilib na bilib sa kanyang sarili. Oo nga maganda yung katawan niya, makinis, gwapo siya at parating mabango kahit pawisan pero hindi ako naakit sa kanya. "Hindi talaga! At hindi mangyayari iyon!" ang sigaw ko sa aking isipan at dito ay napansin ko ang katawan ni Lucario na nakatambad sa aking harapan. Kahit malamig ang paligid ay may butil butil itong pawis na pumapatak sa kanyang matipunong dibdib pababa sa kanyang tiyan na walang kataba taba. "Anong tinitingin-tingin mo dyan? Masarap ba?" ang hirit niya at pumose pa sa aking harap, itinaas ang kanyang dalawang braso at inilagay sa batok na parang isang sexing modelo sa magasin. “Ano bang ginagawa mo?” tanong ko sa kanya “Inaakit ka, ang isang gwapong nilalang na katulad ko ay tiyak na hindi mo matatanggihan. Ano akit na akit ka na ba sa akin?” ang pilyong hirit niya. “Hindi, ang mabuti pa ay kunin mo na yung damit mo at isuot ito. Kukunin ko lang yung mga gamit natin sa taas. May kailangan ka pa ba?” ang simple kong tanong. Napakamot siya ng ulo. “Wala na, bilisan mo nalang yung kilos mo. Para kang babae e. Bagal bagal.” tugon niya sabay suot sa kanyang panlamig na damit. Maaga palang ay sinumulan na namin ni Lucario ang pag lalakbay patungo sa kanilang lupain. Pati ang kabayo ay nilagyan niya ng panlamig na balabal para hindi raw ito lamigin ng husto. Siya ay naka upo sa harap ng kariton, ako naman ay nasa likod lang at nakatanaw sa bundok ng yelo na kulay puti at nakaka akit pag masdan, ni hindi mo aakalain na isa itong delikadong lugar kapag sumasapit ang gabi. Halos ilang araw rin kami sa bayang ito, ang ibig sabihin ay ilang araw na rin akong nawawala sa amin, tiyak na nag aalala na ng husto sina lolo at lola sa mga oras na ito at ang masama ay baka maka apekto pa ito sa kanilang kalagayan. “Anong iniisip mo?” ang tanong ni Lucario noong mapansin na tahimik ako sa likod ng kariton. “Iniisip ko lang sina lolo at lola, baka nag aalala na sila sa akin. Hindi ko matandaan kung paano ako napadpad dito, basta ang alam ko lang ay nakatayo ako sa harap ng isang lumang balon at nag liwanag nag husto ang paligid. Pag mulat ng aking mata ay natagpuan ko na ang aking sarili sa bundok ng yelong iyon. At ang lahat ay kasaysayan na lamang.” ang wika ko. “Maraming mahiwagang pang yayari sa mundong ito, may mga bagay na hindi nakikita ng ating mga mata pero nasa paligid lamang sila. Iyon ang mga bagay o kaganapan na naka himlay sa dako pa roon. Isang mahiwagang parte ng mundo na hindi inilaan para sa mga normal na tao. “ ang paliwanag niya. Tahimik.. “Ikaw? Nasaan ang mga magulang mo? Hindi ba sila nag aalala noong makulong ka ng mahabang panahon doon sa kweba?” tanong ko naman. “Ewan, hindi ko alam kung nag aalala sila. Basta iniluwal ako ng aking ina at wala na silang paki alam sa akin. Nabuhay na ako ng sarili ko, ang ibig kong sabihin ay sa sarili kong paraan at sa aking sariling desisyon. Paminsan minsan ay dumadalaw ang aking mga magulang para tingnan kung buhay pa ba ako o kung anong ginagawa ko. Pag nakita nila akong humihinga pa ay aalis rin agad sila at hindi na ako papaki alaman pa. Wala naman talagang nag mamalasakit sa akin, kahit sa mga magulang ko ay hindi naramdaman ang bagay na tinatawag nilang “pag mamahal.” wika niya habang nakapako ang tingin sa aming dinaraanan. "Siguro iyan ang uri ng pamumuhay ng mga katulad ninyong mga nilalang. Siguro ay gusto lamang ng mga magulang mo na lumaki kang malakas at may sariling pamamaraan sa buhay." ang tugon ko nalang. "Lumaki nga akong malakas pero malungkot ang buhay ng nag iisa. Kaya noong nakatulog ako sa loob ng kweba ay wala naman ni isa ang sumubok na hanapin ako." "Ako, nahanap kita diba?" naka ngiti kong tanong "Sa pag kaka alam ko ay aksidente lang iyon. Marami pa akong dapat alamin tungkol sa iyo. Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang kwintas na iyan at kung sino kaba talaga. Baka naman isa ka ring Diyos na nag tatago sa katawan ng isang mortal, o baka naman sugo ka ng mga kaaway? Malalaman ko rin iyan Suyod." ang wika niya. "Suyon! Bakit ba SUYOD ka ng SUYOD? Simula noong mag ka kilala tayo ay hindi mo na ako tinawag ng tama!" pag mamaktol ko. "Isa letra lang naman ang diperensiya. Huwag kana mag reklamo dyan. Abutan mo ako ng tinapay at nagugutom ako." utos niya kaya naman kumuha ako sa bag at iniabot sa kanya. Ipinag patuloy namin ang pag lalakbay palabas sa Bayan ng Yelo. Ang akala ko ay kapag nakalagpas na kami sa bayang iyon ay normal na ang temperatura ngunit hindi pa pala dahil ang susunod na bayan ay halos ganoon rin, balot rin ng niyebe ang buong paligid at mas malamig pa rito kaysa doon sa bayan na aming pinag mulan. "Bakit parang magulo ang bayang iyon? Sira ang mga bahay at walang masyadong taong lumalakad?" tanong ko sa isang lalaki noong makababa kami sa isang maliit na tindahan. "Ang bayang ito ay karaniwang sinasalakay ng mga blood sucker. Ang ibang taga rito ay lumikas na dahil delikado. Ang bayang ito ay bukas ay walang seguridad kaya mabilis kaming napapasok ng mga dayuhan. Ang tanging proteksyon lamang namin ay ang mga bakod na iyan sa paligid. Kapag nasira iyan ay lalo kaming mapapahamak. Kung mayroon lang sanang isang nilalang na maaaring sumugpo sa mga blood sucker na rebelde, tiyak na malaking tulong na mabawasan ang kanilang bilang." ang wika ng lalaki. "Nilalang na maaaring lumaban sa mga blood sucker?" ang tanong ko sabay tingin kay Lucario na noon ay abala sa pag kain ng tinapay sa isang sulok. "Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Anong binabalak mo?" tanong niya. "Hindi ba isa kang makapangyarihang Diyos? Bakit hindi nalang ikaw ang lumaban sa mga blood sucker? Kawawa naman ang bayang ito." ang wika ko. "Ayoko! Hindi pa ako nababaliw para mag aksaya ng lakas sa mga taong iyan. Buhatin mo na ang mga pinamili natin at aalis na tayo dito!" ang utos niya sabay sampa sa kabayo. "Alam mo, kung ako lang ang may kapangyarihan, lalaban ako at ipag tatanggol ko ang bayang ito. Sayang naman, bukod sa makapangyarihang Diyos ka ay sobrang gwapo mo pa at makisig kung kumilos. Ang taong bayan kailangan ng isang bayaning gwapo at malakas na katulad mo. Isang magandang lalaking may magandang katawan at nakaka akit na anyo. Tingnan mo, lahat ng mga tao dito sa pamilihan ay naka tingin sa iyo. Abot langit ang pag hanga nila sa gwapo mong mukha." ang wika ko naman na punong puno ng pang hihinayang. "Binobola mo ba ako? Baka naman binibilog mo lang ang ulo ko katulad ng ginagawa mong pag bilog sa kulangot mo tuwing umaga?" "Kadiri ka naman! Hindi ko naman gawain iyan, paano mo ba naiisip ang ganyang mga bagay? Kung ayaw mong tumulong ay ayos lang naman. Hindi lang sila makapaniwala na ang isang gwapo, makisig at maginoong katulad mo ay isang duwag na tutang may bahag na buntot." ang wika ko sabay sampa sa kariton. "Hindi ako duwag, at wala akong buntot dahil hindi ako aso! Sige tinatanggap ko ang hamon mo. Mananatili tayo ng isang gabi sa panget na bayang ito pero ang kapalit nito ay gagawin kitang alipin sa loob ng dalawang araw. Ano payag ka ba?" ang tanong niya "May pamimilian ba ako? Sige pumapayag ako." ang tugon ko at noong marinig ito ng mga taong bayan ay nag palakpakan sila na parang nag karoon ng pag asa. Samantalang si Lucario naman ay naka ngising aso lang. Habang naka tingin sa akin na parang nang aasar na hindi mo malaman. Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD