Part 10: Gabi ng Lagim

2416 Words
Sa Piling ni Lucario AiTenshi March 16, 2019   "Hindi ako duwag, at wala akong buntot dahil hindi ako aso! Sige tinatanggap ko ang hamon mo. Mananatili tayo ng isang gabi sa panget na bayang ito pero ang kapalit nito ay gagawin kitang alipin sa loob ng dalawang araw. Ano payag ka ba?" ang tanong niya "May pamimilian ba ako? Sige pumapayag ako." ang tugon ko at noong marinig ito ng mga taong bayan ay nag palakpakan sila na parang nag karoon ng pag asa. Samantalang si Lucario naman ay naka ngising aso lang. Habang naka tingin sa akin na parang nang aasar na hindi mo malaman. Part 10: Gabi ng Lagim "Hijo, heto mainit na tsaa. Maraming salamat nga pala sa pag alala mo sa aming bayan. At paki sabi doon sa kasintahan mo na kami taos pusong nag papasalamat sa kanya." ang wika ng lalaking may ari ng pamilihan. "Hindi ko siya kasintahan. Kaibigan ko lamang siya." ang sagot ko. "Ganoon ba? Akala ko ay kasintahan mo siya, may mga tingin kasi siya sa iyo na wari'y may pag papahalaga at pag aalala. Napansin ko iyon kanina noong nag dedesisyon kayo kung mananatili sa lugar na ito o hindi. Para bang ayaw niyang idamay ka sa gusot." ang tugon ng lalaki habang nakatanaw kay Lucario na naka upo sa ilalim ng isang puno. "Mabait naman iyang si Lucario, may kayabangan lang ng kaunti." tugon ko "Lucario? Parang narinig ko na ang pangalang iyan." pag tataka ng lalaki "Nga pala, bakit nag titiis kayo sa lugar na ito? Kung alam ninyo mapanganib ay bakit hindi pa kayo lumisan at pumunta sa ibang bayan na mas ligtas?" tanong ko naman. "Marami na sa aming mga kababayan ang lumikas at nag tungo sa iba't ibang bayan. Ang mga karatig lupain ay ayaw nang pag papasok ng dayuhan dahil masyado nang matao sa kanilang mga bayan. Madalas pa naman ang tag lamig dito kaya't nangangamba sila na ang maraming tao ay mag dudulot ng pag kakaroon ng kagipitan sa pag kain at sa iba pang supply. Kaya sa halip na lumikas kami ay nag ttiyaga kami dito, may mga supply pa naman kami para mabuhay sa araw araw. Ang kailangan lang namin ay maitawid ang bawat gabi na kami ay ligtas sa anumang panganib." ang paliwanag ng lalaki "Ang ibig mong sabihin ay gabi gabi kayong nabubuhay sa lagim?" tanong ko "Oo, ang tanging poteksyon lamang namin ay ang mga bakod na iyan na mayroong mga selyo. Pero pasira na rin ito kaya nakakapasok na rin ang mga nilalang na nag tataglay ng masamang kapangyarihan." sagot niya sabay turo sa mga bakod na nakalibot sa kanilang bayan, ang ilan sa mga ito ay wasak na dahil sa katagalan. "Bakit hindi ninyo ginagawa mo kinukumpuni ang mga ito?" "Bale wala lamang iyon hijo, dahil kahit lagyan pa namin ito ng bagong bakod ay nasisira rin agad dahil ang mga selyo ay walang basbas ng isang Diyos. Maraming mga selyo doon sa gusali ngunit walang mag babasbas dito para maging isang harang." ang wika niya Napatingin ako kay Lucario na noon ay naka tingin din sa akin. Maya maya ay umiling siya na parang sinasabing "huwag ko na balakin ang iniisip ko dahil hindi niya ako susuportahan" ganyan siya ka bwisit at karamot sa kanyang kapwa. Dumila pa ito sa akin at umirap na parang isang batang may tililing sa ulo. Noong araw na iyon ay sinimulan namin ang pag hahanda. Nag lagay kami ng mga bitag sa lupa, nag umang ng mga patalim at sibat sa bawat bakod upang hindi agad makapasok ang mga kalaban mula sa labas. Ang mga taong hindi kaya lumaban katulad ng matatanda at bata ay inilagay namin sa loob ng isang simbahan na may matibay na pundasyon, may mga selyo rin sa mga bintana nito bilang pamproteksyon. At ang mga kakalakihan naman na malalakas ay nanatili sa labas para lumaban kasama namin. Palubog na ang araw noong kami ay mag handa, hawak ko ang sibat pamprotekta sa aking sarili. Si Lucario naman ay naka upo lang sa isang sulok na parang tamad na tamad, nag hihikab pa ito at wala man lang ni katiting na takot na nararamdaman. Kaibahan sa akin at sa mga tao na halos mangatog na ang tuhod dahil sa takot habang naka tanaw sa araw na unti unting nilalamon ng dilim. "Mag sipag handa na kayo. Pawala na ang araw sa kalangitan." ang wika ng isang matandang lalaki “Yung mga matatanda at bata? Maayos ba ang lagay nila?” tanong ko “Oo, hindi basta basta mabubuksan ang tarangkahan ng simbahan dahil sa mga selyo.  Ang mabuti ay sumilong na tayo doon sa mga sirang bahay para hindi tayo agad makita ng mga kalaban.” ang tugon ng isang lalaki at habang nasa posisyon kami ay umihip ang malakas na hangin. Nag dala ito ng ibayong lamig sa aming mga katawan at ang ilang sulo na hawak ng mga katao ay nawalan ng apoy. Tuluyang nawala ang araw sa kalangitan at napalitan ito ng kadiliman bagamat nakikita pa rin naming ng maayos ang paligid. “Parating na sila.” ang wika ng matanda “Nasaan?” ang tanong ko naman habang lumilinga linga “Hayun.. Bumabangon sila mula sa lupa.” ang wika niya at dito ay nakita ko ang mga kamay na umaangat mula sa yelo. Nakaka kilabot kung iyong pag mamasdan, mga bagay na sa mga horror na babasahin ko lamang nakikita. “Sa umaga ay ibinabaon nila ang kanilang mga katawan sa ilalim ng yelo dahil malamig dito, gustong gusto iyon ng kanilang mga katawan. Kapag nawala ang araw sa kalangitan ay isa isa silang babangon at mag hahasik ng lagim. Kakainin nila ang lahat ng nais nila, walang mga kabusugan at halos hindi napapawi ang kanilang uhaw at pag kagutom. Habang kumakain ay mas lalo pa silang naadik. Dito ay nag simulang bumangon ang kalaban sa buong paligid, ang ilan sa kanila ay naka suot pa ng mahahabang damit lalo na ang mga babae, ang mga lalaki naman ay matatangkad, pula ang mga mata at mapang akit ang mga anyo. Lalong binalot ng takot ang aking mga kasama, dahil sa labas ng bakuran ay nakatayo na ang halos hindi mabilang na kalaban, lahat ay nag aabang ng tamang pag kakataon para makapasok. Mas malala pa pala ang bayang ito kaysa doon sa bayan na aming pinang galingan. “Yung mga blood sucker na nasa bundok ng yelo ay dito rin nag mumula. Walang batas para sa mga blood sucker, wala silang pinuno o hari na maaaring mag takda ng bawal at hindi bawal. Kaya heto nag kalat sila sa iba’t ibang lugar para maminsala.” wika ng isang matanda. “Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin nauupo si Gustavo? Gagong iyan! Makakatikim siya sa akin pag bumisita ako sa Kailun!” ang wika ni Lucario sabay hila sa akin sa kanyang tabi. “Hoy, bakit ba nandito ka pa sa labas? Pabida ka rin e.” ang wika nito habang naka hawak sa aking braso. “Hindi ako pa bida. Lalaban rin ako.” ang wika ko naman sabay pakita sa aking sibat. “Sa tingin mo ba ay magagawa iyan? Nakita mo ba yung mga blood sucker sa labas? Maya maya lang ay huhukay na sila sa lupa at papasok dito. Bale wala rin ang bakod at selyo dahil saklaw rin nila ang lupa. Mga gung-gong!” ang wika ni Lucario at hindi nga ito nag kamali dahil mula sa aming kinalalagyan ay isa isang umangat mula sa lupa ang mga kalaban. “Bakit hindi mo agad sinabi sa amin kanina pa? Sana ay napag handaan naming ang mga bagay na ito!” sigaw ko naman “Alam rin iyan ng mga taga rito sa bayang ito. Sadyang tanga lang sila! Alis dyan!” ang sigaw ni Lucario sabay suntok sa kalaban na papalapit sa amin. Tumilapon ito at ang katawan ay sumadsad sa bakod  na may selyo dahilan para masira ito. “Bakit sinira mo yung bakod? Papasok na sila dito!” ang sigaw ko pa na hindi maitago ang takot. “Hindi ako ang sumira ng bakod! Nag kataon lang na doon siya tumama kaya nasira! Walang may kasalanan noon!” ang sigaw rin niya at bawat lumapit na kalaban sa aming kinatatayuan ay inuupakan lang niya ng walang kahirap hirap. At dahil nga nagiba ang bakod ay wala hirap nag takbuhan, nag liparan ang mga kalaban na parang mga insekto sa paligid. Ang iba ay nasabit at na bitag sa aming mga inihandang patibong ang iba naman ay malayang nakalapit sa aming kinalalagyan. “Pambihira hindi ka ba marunong gumamit ng sibat?” ang tanong ni Lucario noong makita akong winawasiwas ang kahoy para di makalapit ang kalaban. “Hindi eh, okay na ito! Basta huwag silang lalapit sa akin!” sagot ko naman “Ganito ang tamang pag gamit ng sibat! Manood ka!” pag yayabang niya sabay kuha sa isang sibat sa lupa at mabilis na itinarak ito sa mukha ng kalaban, tagos ang talim nito sa likod ng ulo. Agad niya ito hinugot at mabilis na inihagis sa kalabang tumatakbo para umalis. Tuhog rin ang kalaban sa dibdib. “Kita mo iyon? Iyon ang gawin mo! Subukan mo!” utos niya Kinuha ko ang sibat at itinusok sa mukha ng kalaban pero hindi ito bumaon. Gagas lang sa ilong ang natamo nito. “Lakasan mo kasi! Bakla ka ba?!” ang tanong ni Lucario at siya mismo ang nag tulak ng sibat para bumaon sa kalaban. “Hugutin mo at ibalibag mo! Dali!” ang utos pa niya, talaga dito pa ako tinuruan sa gitna ng aktwal na labanan. Hinugot ko ang aking sibat sa mukha ng kalaban at mabilis ko itong inihagis sa isang palapit. Pero hindi ito bumaon at hindi rin natusok ang kalaban. Nabali pa ang aking sibat dahil nasalo niya ito. “Anong ginawa mo?” ang tanong ni Lucario “Nasalo niya yung sibat.” Katwiran ko dahilan para mapakamot siya ng ulo. “Malambot kasi iyang braso mo. Lamya yung pag balibag mo kaya hindi ito bumaon sa katawan ng kalaban. Subukan mo pa! Doon sa babaeng blood sucker! Doon sa isa iyon! Mukhang tanga iyon!” ang utos niya habang tinuturo yung babaeng naka suot ng mahabang mahabang gown na halos hindi na maka kilos. Kinuha ko sibat at buong lakas na inihagis doon sa babaeng nakalaban.. Bumulusok ang sibat sa ere at tinamaan ang babae sa ulo. Natumba ito dahil nawala sa balanse. Hindi tumusok ang sibat katulad ng nais mangyari ni Lucario. “Tang ina! Doon kana nga! Kahinhin mo kasi, parang kang babae! Hahalikan kita dyan eh! Dito ka nalang sa likod ko!” galit na wika ni Lucario. “Anong aasahan mo sa akin, hindi naman ako sanay makipag laban sa mga malignong iyan!” ang sagot ko pa “Huwag kana ngang sumasagot! Hindi naman kita nililigawan!” sigaw niya sabay suntok sa mga kalaban sa paligid. Naging magulo ang buong gabing iyon. Ang ilan sa mga kalalakihang lumaban ay nasugatan at napinsala ng husto kaya naman wala kaming ibang pamimilian kundi ang dalhin sila sa isang ligtas na lugar. Ako mismo ang umalalay sa kanila habang si Lucario naman ay mano manong nakikipag upakan sa mga kalaban. Halos siya nalang ang makikitang nakikipag laban sa hindi mabilang na blood sucker sa paligid. Kung iyong pag mamasdan ay talagang hindi patas dahil mag isa lamang siya laban sa higit dalawampu. "Mahusay makipag laban ang kaibigan mo. Pambihira ang kanyang lakas." ang wika ng matandang ginagamot ko harang pinapanood si Lucario. Kahit ako naman ay namangha dahil napakami ng kanyang kalaban. Maya maya ay umatras ito at dumistansiya ng bahagya sa mga kaaway. Kininumpas niya ang kanyang kamay at muli nanaman itong nag liwanag ng asul. Tahimik.. Nag liwanag rin ang lupang kanyang tinatapakan..  Itinapat niya ang palad sa mga kaaway at nag labas ito ng isang malakas na pwersa tumama sa mga ito. Binalot ng asul na liwanag ang buong lugar.. Yumanig sa paligid at nag bitak ang lupa.. Muling nag liwanag ang kamay ni Lucario at nag silutang ang lahat ng mga blood sucker sa paligid. Isa pang kumpas ng kamay, isa isang naputol ang mga ulo nito na parang mga insektong nag kamatayan. "Sigurado ka bang normal na mandirigma lang iyang kaibigan mo? Ang kapangyarihan niya ay parang isang mataas na uri ng mahika na ginagamit ng mga Diyos sa kalangitan! Noong bata ako ay parating sinasabi sa akin ng aking ama na mayroon isang Diyos na nag tataglay ng makapangyarihang kamay. Saklaw ng kamay niya ang kakaibang lakas na maaaring gumunaw at pumatay sa mga nilalang sa mundo gamit ang isang kumpas lamang. Ang Diyos na iyon ay sinasabing pumatay ng milyong mandirigma sa kasaysayan kaya't siya hinatulan ng pag kakakulong sa isang sagradong lugar." ang wika ng matanda. Nawala ang liwanag sa paligid.. Tanging si Lucario ang naroon at nakatayo. Ang buong lupain ay nawasak at mula dito ay makikita ang daan daang katawan ng mga kaaway na wala nang buhay. Binura ni Lucario ang mga blood sucker ng walang kahirap hirap. Isang kumpas lang ang kanyang ginawa at halos mabura na rin ang buong bayan kaya naman lahat ng tao ay natakot rin sa kanya, ang ilan ay napatulala nalang dahil maagang nagtapos ang labanan iyon. Umuusok ang katawan ni Lucario. Nag inat pa ito bago lumakad pabalik sa amin. Ngunit ang akala ko ay pupuntahan niya ako, pero nag mali ako dahil lumakad siya sa isang lumang bodega kung saan naroon ang mga selyo. Kinuhang niya ito at dinasalan. Isinabog niya ang selyo sa hangin at kusa itong dumikit sa mga puno sa lupa at kung saan saan pa. Nag liwanag liwanag ito ng husto at naging harang sa buong bayan. Pinanood ko lamang siya sa kanyang ginagawa. Ang aking mata ay punong puno ng pag hanga, hindi ko maunawaan ngunit parang tumitibok ng mabilis ang aking puso. Para bang nais ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Hindi ko alam kung anong mayroon sa nakaraan ni Lucario at kung bakit naka tala siya sa kasaysayan. Basta para sa akin, ang Lucario na nakilala ko ngayon ay mabait, masayahin, may kayabangan paminsan minsan pero maginoo at matulungin. Ang puso ay parang sasabog sa matinding tuwa, ang aking mata ay naka pako lamang sa kanyang mukha. Sa unang pag kakataon ay humanga ako ng lubos sa isang tao. Itutuloy..    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD