Sa Piling ni Lucario AiTenshi March 17, 2019 Umuusok ang katawan ni Lucario. Nag inat pa ito bago lumakad pabalik sa amin. Ngunit ang akala ko ay pupuntahan niya ako, pero nag mali ako dahil lumakad siya sa isang lumang bodega kung saan naroon ang mga selyo. Kinuhang niya ito at dinasalan. Isinabog niya ang selyo sa hangin at kusa itong dumikit sa mga puno sa lupa at kung saan saan pa. Nag liwanag liwanag ito ng husto at naging harang sa buong bayan. Pinanood ko lamang siya sa kanyang ginagawa. Ang aking mata ay punong puno ng pag hanga, hindi ko maunawaan ngunit parang tumitibok ng mabilis ang aking puso. Para bang nais ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Part 11: Ang Alipin ni Lucario Natapos ang isang mahabang gabi ng sagupaan. Malaking pinsala ang naidulot ng pag atak