Sa Piling ni Lucario AiTenshi April 7, 2019 "Bakit ganyan ang tanong mo sa iyong kasintahan? Hindi mo ba ako namimiss?" tanong niya sabay yakap kay Lucario, hahalikan sana ito sa labi ngunit umiwas si Lucario. "Dating kasintahan. Lumayo ka sa akin." ang wika nito Part 24: Ang Liham ng Kalangitan "Ikaw pala ang bagong lalaki sa buhay niya. Ikinagagalak kitang makilala. Ako si Sato ang dating kasintahan ni Lucario. Kamusta kana Suyon?" ang pag papakilala niya habang naka ngiti. Mag papakilala rin sana ako ngunit hindi na ako nakapag salita dahil agad na sumingit si Lucario sa aming harapan. "Ano bang ginagawa mo dito? At talagang may lakas ka pa ng loob na mag pakita sa akin pag katapos mo akong ipag kalulo?" ang tanong nito Natawa ang lalaki at inilingkis ang kamay sa dibdib ni Lu