Sa Piling ni Lucario AiTenshi April 8, 2019 Part 25: Bughaw na Kalangitan “Kompleto na po ang pag lalagay ng selyo sa buong paligid Panginoong Lucario.” ang wika ni Heneral Juda “Ang selyo ay isang harang na mag bibigay ng kubli sa templo, kapag dinasalan ko na ito ay babalutin na ng hamog ang buong paligid at ang lugar na ito ay hindi na maaamoy ng mga hukbo ng aking ama at ina.” ang wika ni Lucario. “Bakit ganoong nalang pag kamuhi mo sa iyong ama at ina? Hindi mo ba sila mahal?” ang tanong ko kay Lucario “Hindi nila ako mahal kaya’t hindi ko rin sila mahal. Ang mga katulad nila ay makasarili at walang inatupag kundi ang kaharian nila sa kalangitan!” ang wika nito na may halong pag kainis. “Ang aking ina ay namatay sa isang malubhang sakit, at ang aking ama naman ay iniwan kam