PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Sa Piling ni Lucario Season 2 AiTenshi April 8, 2019 Marahan kong iminulat ang aking mata at dito ay nakita ko siya na hindi maitago ang labis na pag aalala. "Itay? Naka uwi na ba ako?" tanong ko habang pilit na inaaninag ang kanyang mukha. "Naka uwi kana anak, ilan linggo ka ring nawala ang akala namin ay pumanaw kana o nilamon ng kung ano doon sa ilalim ng balon. Ang mga lolo at lola mo ay araw araw nag aalay sa templo upang hilingin na ibalik ka sa amin. Sa