Sa Piling ni Lucario Book 2 AiTenshi Katulad ng set up, ipinadala ng mga bandido kay Lucario ang sulat na nag lalaman ng pag bihag sa akin. Hindi naman ako nangangamba dahil mas nangingibabaw pa pananabik sa aking dibdib, dahil alam kong muli kaming mag kikita at mag kakasama. Ang banta sa aking kaligtasan ay hindi ko na rin inisip pa. Pag dumating si Lucario ay tiyak na magiging ligtas ako sa kanyang mga bisig at ang lahat ng takot ko ay unti unting mawawala na isang parang bula. Part 28: Pag tatagpo ng mga Puso "Hoy, gising! Bumangon kana diyan! Ito na ang oras ng pag tubos sa iyo." ang wika ni Jerry sabay buhos ng malamig na tubig sa aking mukha kaya nabigla ako at mabilis na bumangon mula sa pag kakahiga sa lupa. Agad rin akong nilapitan ng kanyang kasamahan at tinalian ang