Sa Piling ni Lucario Season 2 AiTenshi "Uuwi na tayo Suyon, sa pag kakataong ito ay hindi ko na hahayaan na mawalay ka pa sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ka pa ulit." ang bulong niya sabay halik sa aking labi at noo. Part 29: Aharon at Naama “Dito tayo tutuloy sa palasyo. Hindi na tayo pupunta sa templo dahil baka malaglag kana naman sa balon.” ang wika ni Lucario habang bumaba sa dala niya kariton. Pag pasok palang namin sa tarangkahan ng palasyo ay sumalubong na sa amin ang mga kawal ng kaharian sa pangunguna ni Heneral Juda. Naroon rin si Mister Alponso na agad na yumakap sa akin, halos hindi maitago ang saya sa kanyang mukha noong masilayan ako. “Maligayang pag babalik po Master Suyon. Masaya ako na muli kang makita, mabuti na lam