Sa Piling ni Lucario AiTenshi March 21, 2019 Nanatili lang kaming naka titig sa mata ng isa’t isa. Nag tatama ang aming paningin na para bang nag kakaunawaan ang aming mga isa. Ibayong kabog ng dibdib ang aking naramdaman, hindi ko maipaliwanag ngunit parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa aking mga ugat at nag dudulot ito ng hindi maipaliwanag na kilig sa aking kaibuturan. Masarap sa pakiramdam na para bang lalabas sa matinding saya ang aking puso. Maya maya ay tila nahimasmasan siya at umalis sa kanyang pag kakadagan sa akin. Nahiga siya sa aking tabi at pinaunan ako sa kanyang braso. “Ngayon lang ulit ako tumawa ng ganito. Sa loob ng halos walumpung taon. Ang sarap sa pakiramdam.” ang wika niya. "Masaya ako na nakikita kang nakangiti. Hindi ko alam kung anong klase buhay