PAUNAWA: "Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po." Sa Piling ni Lucario AiTenshi Noong marinig iyon ng mga kawal sa paligid ay sumiklab ang malakas na apoy sa bawat haligi ng tarangkahan kasabay nito ang isang malakas na pag tunog ng tambol habang binubuksan ito. Ako naman ay gulat na gulat sa aking nasasaksihan. Hindi ako makapaniwala na ganito kahalagang tao ang gung gong na ito.. Wala pa ring tigil ang pag kalabog ng tambol.. At noong bumukas ang tarangkahan ay tumambad sa aming harapan ang daan daang kawal