Sa Piling ni Lucario AiTenshi March 22, 2019 Part 15: Mga Pusong Nalilito "Magandang umaga po Master Suyon, kamusta po ang tulog ninyo?" ang tanong ni Mister Alponso noong buksan niya ang kurtina sa malaking bintana. Dito ay agad pumasok ang sobrang lamig na hangin na nag mumula sa labas. "Magandang umaga rin po. Maayos na ang pakiramdam ko, yung sugat ko sa ulo ay parang bulang nag laho." tugon ko Natawa siya. "Madali lamang iyan gamutin master. Nga pala, nag hihintay na po si Panginoong Lucario doon sa ibaba. Nakahanda na po ang almusal." ang tugon niya habang naka hawak sa isang puting damit na may mahabang manggas at makapal na tela, isinuot niya sa akin ito habang naka ngiti. "Panlaban po sa lamig." ang dagdag pa niya. "Panlaban lang sa lamig ito? Bakit sobrang magarbo naman