NAGISING ako sa tunog ng Cellphone. Kinapa ko yon habang nakapikit ang mga mata ko. Inaantok pa kasi ako kahit na nga maaga naman akong natulog kagabi. Marahil masyado ko lang namiss ang kama ko kaya napapasarap ang tulog ko. Nang buksan ko ang Cellphone ko. Nakita ako ang ten missed calls mula kay Luke. Napailing na lang ako. "Bahala siyang tumawag ng tumawag! Hindi na ako babalik doon." Pagkatapos muli kong ipinikit ang mga mata ko upang gumawa ng tulog. Ngunit ilang minuto na akong nakapikit hindi na ko makagawa ng tulog. Kaya naman nagdesisyon na akong bumangon sa kama. "Goodmorning!" Narinig kong bati sakin. Ngumiti ako at tumugon. "Goodmorning!" Sagot ko naman. Tapos naglakad ako papuntang banyo . Ngunit bago ako pa makarating sa Banyo. Bigla akong huminto. Namilog ang mga mata ko

