MALAMIG NA HANGIN ang sumalubong sakin. Habang naglalakad ako sa gilid ng dalampasigan at tinatangay ng hangin ang buhok ko. Ang halakhak nila Kuya Melo at chinchin ang naririnig ko. Wala kasing gaanong tao sa lugar na ito kapag alas singko ng umaga. Madalas mga mangingisda lang ang maabutan mo dito. Yumuko ako upang pulutin ang Maliit na bato na may kakaibang hugis at kulay. Nakagawian ko nang mamulot ng mga maliit na bato at shell sa tuwing nasa dagat ako. Nagagandahan kasi akong pagmasdan and mga iyon. "Tita Ninang!" Ngumiti pa ako kay Chinchin habang tumatakbong papalapit sakin. "Tita Ninang, tulungan na kitang mamulot ng bato." Ngumiti ako sa kanya. "Sure Baby chinchin." Tapos sabay kaming dalawang namulot ng mga bato. Ang nakakatuwa lang sa kanya. Wala siyang pinipiling hugis at

