Tahimik ako habang nakasakay ako sa kotse ni Luke. Patungo kaming Puerto galera. Doon kasi magsama-sama ang mga bisita ng Debutant na si Allyson Ramirez. Si Allyson, napapansin kong malapit na malapit siya kay Luke. May mga pagkakataong nahuhuli kong pinagmamasdan ni Luke si Allyson sa tuwing nagkikita sila. Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero parang nitong mga nagdaang araw. Nakakaramdam na ako ng inis kay Luke sa t'wing napag-uusapan namin si Allyson. "Boss, siguradong magigng masaya ka sa pagpunta natin sa Puerto. Makikilala mo din ang ibang mga bisita ni Ally." Sumimangot ako sa kanya. Kung pwede nga lang sabihin sa kanya na wag na naming pag-usapan pa si Allyson dahil nakakarindi na. "Don't talk to me!" "Why? Are you okay? Masama ba pakiramdam mo?" Nag-aaalala niyang tanong sak

