Paikot-ikot ako sa kama ko habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. Ilang beses kong tinitigan ang friend request ni Luke Perez sa akin. Ngunit hanggang ngayon hindi ko alam kung ia-accept ko ba siya. Dalawang linggo na kami rito sa probinsya, at sa lunes pa ako pwedeng pumasok sa school. Sa totoo lang nami-miss ko ang Saint Paul International Academy. Kahit puro mga nakakaasar ang mga estupident doon. Napakaganda naman talaga ng school na iyon. Mababait pa ang mga professor at staff ng school kahit guard mabait din. Sadya lang talagang may mga estudyanteng sinisira ang image ng school. "Hmpt! 'wag ko na nga lang i-confirm baka poser lang 'to. Asa naman akong may oras pa si saliva mixer na gumamit ng f*******:. Mukhang hectic ang schedule niya sa pambabae." "Mhady, bumababa ka na at pupu

