40 "Babe ang ganda rito." daig pa ni Emerald ang nasa paraiso sa mga oras na iyon nang pumasok sila sa napakalaking gate ng Villa Esperanto. Sinulyapan ni HJ ang dalaga na di mapalis ang ngiti at parang ngayon lang nakatuntong sa ganoong lugar. "You like it?" tanong niya rito. Tumango siya."So much." sabi nito habang tinitingnan ang kalawakan ng lugar na puro carabao grass at naka landscape. Kahit malayo pa ay natatanaw nito ang mataas na slide ng swimming pool. "Can you live in a place like this?" he asked her. Sadya niyang binagalan ang takbo ng kotse para naman mas ma view pa nito ang ganda ng lugar. "Kahit buong buhay ko mo ako ikulong sa ganito, okay lang." "Really—so bukas pala magpapatayo na rin ako ng villa resort para sa’yo?" he grinned. "Heh! Wag mo akong pinaglololoko."