39 Sorry all lines are busy now. Yun ang sabi ng network operator ng celphone matapos niyang ilang beses na tawagan si HJ. Nabubugnot na napasandal si Emerald sa upuan. Magte take off na ang eroplanong sasakyan niya pero di pa rin niya macontact si HJ. Wala pa rin sa opisina. Kahit si Katrina na secretary nito wala. Nasaan ba ang lalaking yun? Naghiwalay sila kagabi nang ihatid sya niyon sa condo na tinutuyan niya at hindi na naman iyon gaanong galit. Nahimasmasan na naman kahit paano. Medyo lasing pa nga nang umuwi dahil sa bar na lang siya dinala. Baka may hangover pa. Hanggang sa marinig niyang aalis na ang eroplano. Masama ang loob na iniwan na niya sa locker ang celphone niya. "Anak have you seen the newspaper?" it was Heaven's mom Lalagpasan na sana niya ang ina dahil late n