42 "President, Lady Devaughn is here." Iniangat ni HJ ang mukha mula sa planong ginagawa niya sa kanyang bagong eroplano, na balak bilihin. Matagal tagal na rin niyang hindi nagagamit ang kanyang hidden talent sa pagdesign bilang pagiging aeronautical engineer. Iyon ang pangalawang kurso na kinuha niya pagkatapos niyang mag-top sa accounting at maging Certified Public Accountant. He was born with very high IQ level when it comes to numerals. Actually lahi nila iyon na magagaling sa numero at kayang kaya niyang gumawa ng sariling equation pagdating sa math problems, no doubt he was considered as an A+ child when he was still 5 years old, kaya di siguro kataka taka na siya ang topnotcher sa board noong kapanahunan niya. At sa pagiging aeronautical engineer? Number 2 on the list. "Send h