43 "President! nag emergency landing na ho sa Laoag International Airport ang flight from Macau. Wala hong casualties. Calm down president—the First lady is safe." habol hiningang sabi ni Katrina habang yakap ang organizer. Isang sugod na lang sana at dalawang mata na ng kanyang engineer ang magkakaroon ng black eye pero napatigil siya nang sanggahin ng sekretarya niya ang braso niya para suntukin ulit si Darvin. Napabuga siya ng hangin. "Maghanap ka na ng ibang trabaho, Darvin. There's no reason for you to stay in my company. Wala kang mairarason sa akin dahil lahat ng kailangan ibinibigay ko. Never in my life since I operated this damn business na pinagkuriputan ko ang lahat ng eroplano na meron ako. Now you wanna know?!" sighal niya sa lalaki na di makaimik ni hindi makalaban. "This