33 Pakiramdam ni Emerald ay naiflush na niya ang buo niyang pagkatao sa toilet bowl. Gusto niyang maiyak sa mga salitang iyon na narinig ng dalawa niyang tainga. Talo pa niya ang lechon na pinagpiyestahan ng mga iyon. Nakakapanghina ang narinig niyang mga salitang iyon na kung nakamamatay lang ay baka kanina pa siya pinaglalamayan. Napakahirap palang magkaroon ng isang boyfriend na nasa mundo ng alta Sociedad. Bawat himaymay ng pagkatao niya ay pilit nilang inaalam at kung pwede lang na maging bato ang lahat ng bawat pintas sa kanya ay siguro bukul bukulan na ang buong katawan niya ngayon. Baliw na nga ba talaga ang pwedeng itawag sa isang tulad niya? Paglabas niya ay si Vanessa ang nabungaran niya. Pero bakit bigla siyang nilamon ng insecurity ngayong nakikita niya ito sa malapitan