34 Emerald woke up with headache. Naupo siya sa kama at itinukod ang dalawang kamay sa ulo. Nahihilo siya, nasusuka. Buntis ba siya? May hang over ka! Tanga! Oo nga pala lasing siya kagabi. Oo. At kagabi ay linggo, ngayon ay Lunes. Inay! May pasok siya. Nagmamadali siyang bumaba ng kama at itinulak ang pinto ng banyo at sumalubong sa kanya mula sa loob si Heaven. Napatakip sya ng ilong. "Ano ba ‘yan? Biyonaryo ka nga ang baho naman ng tae mo." Tumawa lang ito. "At kaninong tae naman ang mabango? Sa aso?" Nakakaloko ang ngisi ng kumag. "Kumusta ka, babe?" hinalikan siya nito sa noo at nilagpasan siya. Napasandal muna siya ng kaunting segundo sa pader. Pinasisingaw pa niya ang toxic waste sa hangin. Bantot! "Nalasing ako kagabi di ba?" parang si pa siya sigurado sa kalagayan niya k