28 "May burol ba, Emm?" tanong ni Alex sa kanya habang naglalakad sila sa divisoria. Kahit ang daming tao at siksikan balewala iyon sa kanya kasi lumilipad naman ang isip niya. At sa buntis? Balewala rin. Ito yata ang buntis na walang hindi susuungin, duktora na asawa ng billionaire nasa divisoria? Parang mga asong bubuntot buntot ang dalawang bodyguards sa kanila. Naisip niyang mamasyal kasi maagang nag land ang eroplano at wala na siyang sched. Wala naman si Heaven sa office at di niya alam kung saan pumunta. Malamang nagtatampo pa rin sa kanya. "Ano te?" tanong niya rito. "Sabi ko kung may burol ba kasi yung mukha mo parang may ipinagluluksa. May namatay ba?" tanong ulit nito sa kanya. "Wala te. Kasi si Heaven nagtatampo sakin." Umarko ang kilay nito. "huh? Yung pagmamahal nun