Bibiling-biling ako sa kama at hindi mapakali. Ang aking kamay ay nakapaloob sa magkabila kong hita at hindi maintindihan kung ano ba ang nararamdaman. Pinagpapawisan ako ng malapot at parang hindi makahinga. Nais kong ibabad ang sarili sa tubig ngunit kahit gawin ko iyon ay wala rin namang nangyayari. Kahapon pa balisa ang aking pakiramdam. Nagkakaroon na ako ng ideya kung ano ito at halos malunod na naman sa maka-mundong pagnanasa kahapon. Mabuti na lamang at napigilan ko ang aking sarili na magsarili kahit pa sadyang kay hirap. “Lady Loren, ayos lamang po ba kayo? Pulang-pula po kayo,” minsang puna sa akin ni Trisha habang ako ay nakaharap sa salamin. Marahil dahil iyon sa kahihiyan na nararamdaman ko dahil kalalabas ko lamang sa loob ng palikuran at manaka-nakang paligayahin