Malakas ang kabog ng aking dibdib ngunit hindi alam kung para saan iyon. Hindi naman ako kinakabahan o ano. Sa totoo lang ay payapa akong nagising at hindi rin nakadarama ng masamang pakiramdam. Biglaan na lamang kumabog ang dibdib ko habang isinasa-ayos ang mga rosas na ipinadala kanina ni Magus dito sa aking silid bago siya umalis. Kinapa ko ang aking dibdib at nangunot ang noo. May masama bang mangyayari or I am just being paranoid? Binitawan ko ang rosas na hawak ko at saka piniling umupo na lamang muna. Hawak-hawak ko ang aking dibdib at hindi mag-umapaw ang kung ano-anong naiisip ko. Nilibot ko ang paningin sa aking silid. Wala naman akong nakikitang kakaiba. Dumako ang tingin ko sa may pintuan at napaisip. Dali-dali akong nagtungo roon upang i-lock iyon. Baka mamaya ang na