Magkalapat ang aking labi at tanging tipid na ngiti lamang ang ibinibigay sa mga sumasalubong sa amin ni Magus. Nakakawit sa kaniyang braso ang akin at kami lamang ang naglalakad patungo sa may halos altar. Sa amin ang lahat ng atensyon ng mag bisita. Ang iba ay namumukhaan ko na nakita ko noon sa konseho habang ang iba ay hindi pamilyar sa akin. Gayunpaman, mas nakikita ko ang paggalang ng mga bago sa paningin ko kaysa sa mga nakasama ko noon sa konseho. “The Lord and the Lady of the Clan of Roshire,” ani Mr. Jarvis sa harapan katabi ang isang lalaki na stoic lamang din ang mukha. Nang marating namin ang kinalalagyan nila ay sabay nilang iniyuko panandalian ang kanilang ulo at sumunod ang mga naroon. Tanging ang iilan lamang sa karamihan ng bisita ang hindi gumawa at sila ay mga