Hindi ko na alintana ang sumasakit kong mga paa dahil sa taas ng sapaton na suot ko. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mahanap kung nasaan si Magus. Dire-diretso ako sa aking silid at halos pabalya pa na naisara ang pinto ngunit hindi ko siya natagpuan doon. Nagmamadali rin ako na nagtungo sa may silid niya ngunit hindi ko rin makita miski anino niya. “Kung ganoon, nasaan siya?” hinihingal kong sambit? Hawak-hawak ko ang aking dibdib dahil sa halos kapusin na ng hininga sa pagtakbo. Pagod akong napaupo sa may kama niya at nabibigong nag-isip kung saan ko pa siya hahanapin? Natatakot ako na sakaling makita niya pang muli ang mga babaylan ay sabihin na ng mga ito ang tunay kong katauhan. Napasinghap ako nang may pumasok sa aking isipan. “Hindi kaya…” nanginginig ang boses na