Ilang sunod-sunod na buntong-hininga ang aking pinakawalan ng makapasok sa palikuran. Hindi ko naman talaga kinakailangan na magtungo rito. Iyon nga lang ay dama ko na ang p*******t ng tiyan dahil sa pinaghalong kaba at pagkairita. Ganitong-ganito ako kapag nakakaramdam ng nerbyos at inis. Parang may kung anong humahalukay sa aking tiyan. Nagpalipas lamang ako ng ilang minuto at saka lumabas na. Marahan ang ginawa kong paglalakad nang biglang may isang bulto ang humarang sa akin. Sa labis na gulat ay muntikan akong ma-out of balance at tanging siya lang ang sasalo sa akin. Isang kabig lang ay tumama ang katawan ko sa kaniyang dibdib at hindi niya ako pinakawalan pa. “You are really getting away with me?” galit na galit niyang sambit. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa aking braso na s