Kinabukasan ay maaga akong nagising at pakiramdam ko ay gumaan kahit papaano ang aking pakiramdam. It’s actually weird that I am thinking of what Trisha told me yet I can still sleep peacefully. Dahil siguro iyon sa ipinainom na tsaa sa akin. There must be something on it o baka ginamitan nila iyon ng mahika. Hindi ba at may mga koneksyon ang mga bampira sa mga taong-lobo, sirena at mga babaylan? Maari na doon nakuha ang ipinainom sa akin. Natawa ako sa naisip. “Thanks to that,” I murmured. Simula ng bagong umaga, panibagong kasuotan, bagong mga kasambahay na makakaharap. Ganoon naman palagi. Si Trisha lang ang bumabalik dito. Iba-iba ang mga nakakasalamuha ko. “Magandang umaga, Lady Loren,” pagbati sa akin ni Trisha na siyang unangnagtutungo rito sa aking silid pagdating ng umaga.