Kumuyom ang aking kamao at lumuha pang muli. Ang lahat ng naririto ay nasaksihan ang nangyare sa akin, at alam rin ng lahat na ang nangyayare sa akin ay bunga ng pagtataksil ni Magus. Tuloyan nang naging maayos ang aking paghinga at maging ang aking pakiramdam. Sinubukan kong tumayo ngunit dahil sa labis na panghihina dahil sa nangyare sa akin at sakit ng aking dibdib; at init ng mga mata na tila sinisilaban ay muli akong natumba. Bago pa man ako lumapat muli sa aking pinag-upuan ay nagawa na akong hawakan ng isang mga bisig. Nag angat ako ng tingin upang tingnan kung kaninong mga bisig ang may hawak sa akin, nakita kong si Mr. Jarvis ito. Malalim ang kaniyang mata pero kababakasan ng labis na pag-aalala dahil sa estado ko ngayon. “Hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin ang sar