Tiningnan ko ang kapirasong papel na aking kinuha at ginamit upang sulatan ng buwan, araw at taon ng unang pag tataksil sa akin ni Magus. Umaasa akong hindi na masusundan pa ang inilista kong petsa, sana nga ay hindi na masundan pa kahit alam kong napakalabo nito. Pagkatapos kong isulat ito sa kapirasong papel ay ibinalik ko na ang kapirasong papel na ‘yon sa aking draewer. Hahayaan ko na lang ito na naroroon at hindi naman ito kailangang itago. Bumalik na ako sa aking kama at nahiga doon ngunit agad din akong napabangon dahil sa nakita kong repleksyon ko sa salamin nang mapadaan ako dito, dahil sa isang buwan ng wala si Magus at labis na pag aalala ko sa kanya ay napapabayaan ko na ang aking sarili. Nakikita ko ang aking repleksyon sa malaking salamin, ang aking katawan ay napabay