Third Person Ilang oras ang makalipas ay isang katok mula sa pintuan ng kaniyang silid ang pumukaw ng kaniyang atensyon at dahil wala namang ginagawa ang dalaga kundi tumitig sa pader ay tinayo niya iyon. Nang buksan niya ay sumalubong ang binatang si Arthur na may awkward na eskpresyon sa mukha at nagkakamot pa ng batok nang buksan niya ang pinto. “Did I disturb you?” bakas ang pagkapahiya sa boses nito at dahil ayaw ni Loren na ganoon ay mabilis siyang umiling para mapalis ang nararamdamang hiya ng binata. “Ayos lang. Nagpapalipas lamang ako ng oras,” pahayag ng dalaga. Tumango ang binata. “Uh… a-ano nga pala ang iyong sadya?” pagtatanong ng dalaga dahil hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagpunta nito sa kaniya. Parang natauhan at naalala nito ang tungko