Third Person “Mag pahinga ka na, babantayan kita,” sabi ni Blaze kay Loren at hinalikan ito sa noo. Nagulat si Loren dahil sa ginawa nito, ganun pa man ay hindi niya ito pinahalata upang hindi mailang ang lalaki. Habang si Blaze naman ay nagulat din sa kanyang ginawa kaya dahan dahan siyang lumayo kay Loren habang nakaiwas ang tingin. Naghihintay siya kung makatatanggap ba siya ng galit o ‘di kaya ay paninita sa dalaga subalit tahimik lamang ito at tila wala lang ang kaniyang ginawa. Hindi niya malaman kung magaling lamang ba itong magtago ng emosyon o talagang hindi nito iyon napansin. “Mag pahinga ka na... dito lang ako,” sabi ni Blaze at nag lakad patungo sa mahabang sofa na nasa loob ng kanyang malaking kwarto. Nahiga doon si Blaze habang si Loren ay naiwang tulala