Nag-umpisa na si Blaze na linisin ang katawan ni Loren na may bahid ng dugo, ngunit bago iyon ay nilagyan niya muna ng kumot ang katawan nito na hanggang dibdib dahil hanggang leeg lang naman umabot ang dugong umaagos mula sa kaniya kanina. Pag katapos niyang lagyan ng kumot ang katawan nito hanggang dibdib ay nag-umpisa na si Blaze na basain ang towel sa isang planggana na may lamang tubig. Piniga niya ito ng mabuti bago niya ipinunas ng maayos sa muka ni Loren, maraming dugo ang nasa muka nito. Napansin si Blaze na napakabilis matuyo ng dugong nanggagaling sa mga mata at ilong ni Loren dahil tuyo agad ang mga ito at nakadikit na sa balat ni Loren. Hindi naman nahirapan si Blaze na tanggalin ang mantsa ng dugo sa balat ni Loren kaya nag patuloy lang siya sa ginagawa niyang pag lil