Kumuyom ang kamao ko, nag-iinit ang mga mata. Hindi ko na alam kung sa paanong paraan ko ba aalamin kung ano talaga ang gusto ko. Kung ano ba talaga ang tunay kong nararamdaman nang sa gayon ay hindi ko na mapahirapan pa ang aking sarili. Gusto ko bang balewalain ang lahat at ibalik sa dati ang pakikitungo sa kaniya? O gusto kong alalahanin ang bawat sakit na dinama ko noon? Nanginig ang balikat ko at halos matawa sa sarili. Baka nga alam ko naman talaga kung ano ang totoo kong gusto. Itinatanggi ko lamang? I wish Blaze and Arthur is here so they can tell me what I should really do. Noon kasi, noong nasa kanila ako, hindi nila ako binigyan ng ideya o kung ano mang opinyon kung hindi payo na sa mismong kagustuhan o choices ko rin naman nila kinuha. Tinutulungan nila ako na masinsina