Should I tell him about them? Ikatutuwa ba niya sakaling malaman niya na hindi niya kauri sa halip ay mga kalaban ay siyang kumalinga sa akin? Hindi ba niya maiisip na ang mga lalaking iyon ang ginamit ko sa kataksilang nakita niya? Hawak-hawak niya ang kamay ko, patungo sa silid na inuukopa niya. My old room where I stayed. Nang makapasok kami roon, nang sumara ang pinto, doon nagbago ang ekspresyon niya. Lumitaw lahat ng emosyon at ang pinakamasakit makita ay ang pagsisisi roon. Yumakap siya sa akin at mayamaya ay dumausdos ang katawan pababa. Ngayon ay nakaluhod siya at nakayakap sa aking hita. Suminghap ako, 'di iyon napaghandaan. Nagsimulang manginig ang balikat niya. "M-magus..." walang lakas ang boses ko nang tawagin ang ngalan niya. Sa basag na boses ay sinagot niya ang pagt