Kabanata 70

1225 Words

"L-lady Loren..." naiusal ng siyang nangunguna sa pulong ngayon. Isang malamig at matalim na tingin lang ang itinapon ko sa kaniya dahilan nang panlalaki ng mga mata nito. "Start the meeting," pahayag ko. Tumikhim ito, sinulyapan si Magus na siyang ginawa ko rin. Sa akin ito tumingin pagkuway tumango. Lumapat ang kamay niya sa akin at dahil nakaharap ang konseho, hindi ko iyon maialis. Bumuntong hininga ako at hinayaan na lamang, pilit na itinututok ang pansin sa may pulong ngunit hindi nagtagumpay. Lalo na noong marahan ang paghaplos niya sa aking daliri. Gusto kong maiyak, lalong nadepina ang pagkasabik ko sa kaniya. "Lady Loren?" si Mr. Jarvis iyon, tinawag ang pansin ko. Maang akong tumingin sa kaniya at nang lingunin ang kapulungan ay lahat sila ay sa akin ang tuon ang pansin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD