"Naririnig mo ba ang sarili mo, Magus? This clan came first before me. Sila ang unahin mo. Isa pa, k-kailangan ko ng oras para makapag-isip," pahayag ko. Umangat ang sulok ng labi niya pero hindi sa natutuwang paraan kung hindi sa pagkairita. "Thinking how you are going to slip away from me?" Punong-puno ng pang-aakusa ang boses niya. Nauunawaan ko iyon dahil ako mismo ay hindi na rin magawang magtiwala. Iyon ang epekto ng pangyayari sa amin na sa tingin ko ay hindi magagawang burahin ng isang maayos na usapan. Panahon at oras ang kailangan bago magbalik muli iyon. "Who is he?" pagkuway tanong niya matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan namin. Kumurap-kurap ako at napaisip sa tanong niya at nang maunawaan ay napalunok. Hindi ko nagawang sagutin siya kanina kung kaya naman inaa