Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko maiaalis sa isip ang tungkol sa naging usapan naming dalawa ni Trisha. Magus is not here. May kinailangan siyang daluhan sa ibang bansa kasama ang High Reeves dahilan kung bakit labis-labis na kabog ng dibdib ang tinatamasa ko ngayon. Mula ng dumating ako rito ay hindi na kami nagkaroon pa ng pag-uusap na maayos. Parehas naming pinakikiramdaman ang isa’t isa at mas lalong ganoon sa side ko dahil hindi ako kampante sa mga pangyayari sa aming dalawa; gayunpaman ay ‘di ko kailanman inisip na gusto kong magkaroon ng lama tang relasyon naming dalawa o ‘di kaya ay may mangyaring masama sa kaniya. Hindi ako mapakali sa kaiisip sa kung ano kaya ang maaring mangyari sa kaniya na may kinalaman sa sinabi ni Trisha sa akin kanina. Pinakiramdaman ko ang