"Ayaw niya magsalita eh. Pero isa lang ang pakiramdam ko. May kakaibang nangyari sa dalawa. At sana hindi ikapahamak ni Zanea, iyon." Sabi ni Dave, sa mga ito. . . Pag pasok ni Jedan, sa kwarto niya ay pabagsak siyang humiga sa kama niya at tumitig lang sa kisame. Makalipas ang halos dalawang oras ay ganoon pa rin siya sa kanyang puwesto. Gumulong-gulong ito sa kanyang kama na parang nababaliw na. Hindi kasi ito makatulog. Parang bumalik ang dating insomia nito na matagal ng nawala simula ng dumating sa buhay niya si Zanea. Halos lahat ng effort nito na hindi pag pansin kay Zanea, ay nawala na parang bula ng dahil lang sa isang halik. Pero kakaiba ito ngayon dahil pakiramdam nito ay mayroon silang chemistry na dalawa. Naalala pa nito na parang nag glow yung pakpak nito no'ng palabas n