"Mahal ko siya?" Bulong nito sa sarili habang iniisip ang kanyang master na si Jedan. Nang matapos na sila Gwen, at Zanea, ay umakyat na ang mga ito sa kani-kanilang kwarto. "Nana.. I miss you baby." Sabay yakap nito sa nakahiga na si Nana sa kama niya, tumabi ito dito at humiga din, sumampa naman sa tiyan niya si Nana doon humiga kaya niyakap niya ito. "Mahigit isang linggo na din pala," sabi nito. Binuhat niya si Nana, at inilagay sa tabi tsaka siya gumulong sa kama at tumayo. Halos ilang minuto lang siyang nakatayo doon, pakiramdam niya ay pabigat ng pabigat ang pakpak niya simula pa kagabi. Sinubukan niyang umangat kaya tumingkayad ito at ikalampas ang mga pakpak niya pero hindi niya magawa dahil nabibigatan na ito. Hindi na siya makalipad ng maayos, pero nakakaangat pa naman siy