SAKTONG nag-isang taon ang anak nila Ruki at Cady saka sila nagpakasal sa simbahan. Nasorpresa si Cady nang sabihin ni Ruki ang venue ng honeymoon nila sa ikalawang pagkakataon. Sa California nito napiling gawin ang honeymoon. Ayaw nito ng istorbo kaya iniwan nila si Baby Kate sa parents niya. One week talaga ang inilaan ni Ruki para sa honeymoon nila. Excited na rin siya sa susunod na kabanata ng buhay nila. Pumunta rin sila sa bahay ni Ruki sa California pero hindi nito gusto na doon sila mag-stay. May naipa-reserve na kasi itong hotel room sa pinakasikat na hotel sa lugar na kilala nito ang manager. Namangha siya nang matuklasan na sikat pala si Ruki sa California. Mas kilala ito sa larangan ng car racing. Hinihikayat ito ng dati nitong manager na bumalik sa sport pero tumanggi na ito.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books