NASAKSIHAN ni Cady ang eksena ng mag-lola at narinig niya ang katotohanan mula mismo kay Rue pero nanaig ang galit sa puso niya sa katotohanang mali ang kinilala niyang asawa. Noon lamang niya napagtanto ang lahat ng bagay na nagpalito sa kanya ukol sa pagkatao ng pinakasalan niyang lalaki. May mga dahilan pala ang lahat. Hindi niya napigil ang pagdaloy ng kanyang luha. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin sa mga sandaling iyon. Tinapos lang niya ang kanyang nilululuto saka siya nagtungo sa kuwarto. Nakapagdesisyon siya na umalis na muna at lumayo para makapag-isip siya nang maayos. Hindi niya kasi alam kung paano tanggapin ang katotohanan na hindi pala si Rue ang pinakasalan niya kundi ang kakambal nitong si Ruki. Ni wala siyang ideya tungkol sa pagkatao nito. Nalilito na siya. Palaba